Friday, November 14, 2008

Bagong DSLR Camera: Nikon D80

Hay sa wakas may maganda na rin akong camera.

28K pesos ang bili ko sa Nikon D80, kasama na ang lens (Zoom-Nikkor 18-70mm). Lubos akong nakatipid kung pagbabasehan ang nakasaad sa Wikipedia: "Its current price is $600 for the body only or $800 with the Zoom-Nikkor AF-S DX 18-135 mm f/3.5-5.6G IF-ED kit lens."

Early October o late September ko ata 'to nabili mula kay Melvin. Second-hand pero almost new, dahil 4 months pa lang ang camera.

Disclaimer: Di ako nangarap kailanman rumaket bilang photographer. Napakahina ko sa visual arts. (Literary arts na lang ang pag-usapan.) Pero di ako nakatanggi sa presyo ng cam, tsaka wala namang mawawala kung sumubok akong kumuha ng maaayos na retrato.

Maganda rin ang timing, dahil sangkatutak ang lit events na napupuntahan ko nitong mga huling buwan -- kailangan ng maayos na pang-document hehe.

Heto ang ilan sa mga unang kuha mula nang nabili ko ang cam. Pagpasensyahan na at di kagandahan, beginner's shots lang hahaha. Halos di ako nakapagpraktis at nakapagbasa ng manual dahil sunod-sunod ang lit events.

Sa tapat ng apartment namin sa Cordillera Street, Galas, Quezon City.

Mula sa Dampa, Diosdado Macapagal Avenue, Manila Bay.

Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Vim Nadera, ako, Ynna Abuan, Debbie Nieto sa Boardwalk Dive Center, Subic Bay Freeport Zone.

Subic Bay, Zambales.

Subic Bay, Zambales.

Subic Bay, Zambales.

Jungle Environmental Survival Training (JEST) Camp, Subic Bay, Zambales.

Subic Bay beach.

Subic Central School, Subic (iba ang Subic Bay Freeport Zone), Zambales.

Vista Marina Hotel & Resort, Subic Bay Freeport Zone.

Beverly Siy sa Vista Marina Hotel & Resort, Subic Bay Freeport Zone.

Halloween sa bahay.

Filipinas Heritage Library, Makati City.

(Ang retrato sa pinakaitaas ay galing sa Wikipedia.)

19 comments:

  1. Maganda ang mga letrato, at ang mura ng camera! Ang brand new na Nikon D40 (lumang modelo) ay pumapatak ng P27,000.00 sa mga tindahan sa mall. May mga nagsasabi na may P7,000.00 discount ang D40 kung bumili ka nang cash sa Hidalgo, Quiapo, pero 'di ko nakumpirma kung totoo 'yan o hindi. Pero P28,000.00 para sa D80 na 4 buwan pa lang? Bargain! Tama ang bili mo!

    ReplyDelete
  2. Oo naman, wala namang masama kung sumubok e.
    Gusto ko yung photo mo sa Dampa.
    =)

    ReplyDelete
  3. sa Nov 28 na ang STS ko, at di na sa La Salle.
    Yehey, ikaw na ang taga-picture.

    ReplyDelete
  4. iwas-iwas sa madilim. kailangan ko ng pera ngayon, e. baka bigla na lang ako sumulpot sa likod mo at hablutin yan. anak ng! ang ganda, phillip! *inggit inggit inggit

    teka, san ka pala naglalalagi ngayon? ehe. :p

    ReplyDelete
  5. Love the night shots! :) And yup, 28K for a 4-month old cam is awesome. Good luck sa photography! Ingat lang at baka ma-addict ka. Pagkatapos ng camera, bagong lens na yung pagnanasaan mo :P

    ReplyDelete
  6. wow! ang ganda ng kuha! manong ampayat mo na! pataba ulit! :)

    ReplyDelete
  7. ahuhuhu, kaw pala nakabili! wala akong pangdown ke kapatid na melvin. :D paheeram minsan!

    ReplyDelete
  8. hala, bakit na-move? :( email mo naman kami ni mao ng details, humihingi rin siya ng update, baka sakaling makapunta siya. sige pupunta ko.

    ReplyDelete
  9. Maraming salamat, Kenneth! :) Oo nga e, kung lagpas 35K 'to, di ko rin bibilhin dahil di (pa) naman ako nagseseryoso sa photography hehe.

    ReplyDelete
  10. salamats yas :P sana nga lang makapag-praktis pa ako, di na nga rin ako masyado nakakapagsulat e. musta na?

    ReplyDelete
  11. hahaha! naku marami pa namang madilim na sulok sa peyups >_< tsaka baka maabutan mo pa akong lumalabas ng sarah's, lasing, sumusuray-suray, barely holding on to the camera...

    naglalagi...dito sa bahay as usual. work from home e. kaso andaming events na kelangang puntahan/asikasuhin, kaya kung san-san na ako napupunta nitong mga huling buwan hehe.

    ReplyDelete
  12. thanks macy!! oo nga e, sabi nga nila baka-maadik ako. pwede rin, pero magsusulat muna ako wahaha.

    at sa totoo lang, medyo nagnanasa na ako ngayon pa lang sa mas malakas pang lens. :-S

    ReplyDelete
  13. salamats jenjen. talaga pumayat ako?? wooohooo! nabawasan na ang pagka-tsabby ko :P

    (kelangan ko nang mag-workout uli...)

    ReplyDelete
  14. ahaha bibilhin mo rin pala dapat? buti pala me natira pa akong savings pagkatapos maoperahan ng dad ko :P

    ReplyDelete
  15. tsss! grabe, sobrang sinwerte ka talaga sa presyo niyang cam mo! panalo! talo pa sa quiapo! =) tara, magphotogs tayo minsan kahit around UP/UST lang! =)

    ReplyDelete
  16. o cge ba! ang tanong e kelan hahaha. dapat ata december, para marami nang dekorasyon sa Peyups at Uste :P

    ReplyDelete