Wednesday, January 14, 2009

Interview w/ Ces Drilon: "DOJ prosecutor: My conscience is clean!"

Ininterbyu kami kahapon ni Ces Drilon sa inuupahan naming apartment unit. Kinuha niya ang panig ni dad sa "Alabang Boys" bribery allegations, at nilibot nila ang bahay namin.

Mga 2 oras yata silang namalagi, pero dahil kapos ang espasyo sa balita, onti lang sa mga sinabi namin ang nakapasok. Pero ayos pa rin. Kung hindi dahil sa bisita ni ma'am Ces (at ni Ms. Rawna Crisostomo noong Linggo - read previous blog post and my letter to The Philippine Star), hindi lalabas sa media ang istorya namin.

Eto ang video ng feature na lumabas sa Bandila (ABS-CBN) kagabi. Kinuha ko 'to mula sa http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/01/14/09/doj-prosecutor-my-conscience-clean . Baka lumabas din daw 'to sa TV Patrol mamaya, kung may espasyo.



(Kung ipapamahagi niyo ang video na 'to, i-klik lang po ang "Get and Share" sa baba, tapos piliin ang option na "Start playing from This Show" kesa "Most Recent Show", kundi ibang video ang lalabas.)

Maraming maraming salamat kina ma'am Ces at sa kaniyang crew at assistant. Naramdaman ko ang simpatya niya noong nag-uusap kami. Ibinahagi niya rin kasi ang kuwento ng kanyang buhay: mataas ang panunungkulan ng kanyang ama sa military (heneral ata?) pero naging simple lang ang pamumuhay nila.

Gaya ko, lumaki si Ces Drilon na nagtataka kung bakit ang ibang kasamahan ng ama niya ay may magagarang kotse at bahay. Kaya siguro hindi na rin ako nahiya na sabihin sa interview na lumaki akong galit sa mayayaman. (Pero di na nakalabas sa Bandila 'yung bahaging 'yun.) Humupa na lang ang galit na 'yon sa pagtanda ko. Sabi ko nga kay ma'am Ces, ang pagsusulat ko na lang ang panlaban ko sa mga kalokohan ng lipunang 'to.

Binibiro rin ni ma'am Ces si Daddy na talagang sinundan ko ang mga prinsipyo niya: si Daddy, namuhay nang tapat at malinis, hindi tumatanggap ng suhol kahit wala kaming pera. Ako, pinasok ang isang career (writer & poet) kung saan wala ring pera.

Eto pala ang ilang pics mula sa hapong iyon:

Interview kay Dad sa sala.

Tinitingnan ang mga nakasabit sa dingding.

Binabasa ni Ces Drilon ang mga tula ko sa Likhaan journal.

Interview ko.

Pinapakita kay Ces Drilon ang headlights na natatanggal sa lalagyan.

Dad & Ces Drilon.

Kami, nag-uusap.

Group pic. (Nakakatuwa si ma'am Ces, siya pa ang nag-aya!)

Ces Drilon, Dad, ako, Ynna.

Kami ni Dad, nag-uusap pagkaalis nina Ces Drilon.

* * * * *
Uulitin ko lang: gusto kong magpasalamat sa mga taong nagdasal, nagtext, nag-email, at nagpakita ng suporta sa pamilya namin. Paumanhin po't hindi pa rin ako nakakapagpasalamat nang isa-isa sa inyo.

Maraming salamat.

20 comments:

  1. wow.andoon pala si tsang .hehe.
    (0o,)

    ReplyDelete
  2. phil... ramdam ko ang tatag ng pagmamahal mo sa iyong ama.

    sa huling larawan...kurot sa dibdib at muli kong naalala ang isang taong nais kong talikuran.

    saludo ako sa iyo.

    ReplyDelete
  3. ava. talagang me tatak na up ang shirt mo sa interview philip. ahihi

    ReplyDelete
  4. hi phillip..ang lakas mo ah...interested ka, though ngaun plang kta nakilala

    ReplyDelete
  5. oist...andito ako. andito ako. andito lang ako. :)

    ReplyDelete
  6. Kimps, ayaw mag-embed sa Wordpress ng video :(

    *hugs you* We're supporting you and your dad all the way.

    ReplyDelete
  7. hoy couz steady lang maiibsan din ang lahat

    ReplyDelete
  8. ano ba yan mali yung unang napost ko. hahaha.

    ReplyDelete
  9. andrei! eh yung small world tayo??!

    philip, ang tapang-tapang mo. shet.

    ReplyDelete
  10. hi phil...been watching ur interviews sa internet. in god's time, maaayos din yan. andito lang kami for you and ur dad.

    ReplyDelete
  11. on a lighter note philip:
    "hayaan mo madidiscover ka na ni Johnny Manahan for more star circle :)"


    steady lang tsong....
    maaayos din yan.... in the end, malilinis din name nyo.
    God Bless

    ReplyDelete
  12. shet hindi ko mapanood sa netshop na ito...

    sabi kasi sa iyo punta na lang ako sa inyo, may dala pa man din sana akong popcorn. sabi ni Carla naiyak daw siya noong pinanood niya kayo.

    kaya 'yan pare. kaya 'yan!!!

    ReplyDelete
  13. naku phillip nakakatuwa ka. pinag-uusapan nga namin ni joji yan. sabi ko, ibang klaseng anak tong si phillip. pogi na, madaldal pa, este, papa's boy, este, matapang pa!!! sana si ej ko, maging katulad mo paglaki, este pagtanda :)

    ReplyDelete
  14. i wish the best for you and your family...

    ReplyDelete
  15. hi phillip. sorry ha? mejo insulated ang med sa mga ganitong balita. i just learned of all these things recently. i'm praying for you and your family. the truth always comes out in the end no matter how strong the attempts to warp and misconstrue it. you guys will be able to get through this and will definitely be stronger for it.

    god bless!

    ReplyDelete
  16. phil,

    baka ma-discover ka na niyan para palitan si Rainier! hehehe!

    ReplyDelete
  17. Phillip! Napanood ko ito. Akala ko nung una, ka-pangalan mo lang tsaka kamukha mo lang. Kaw pala talaga yun. Alam ko lalabas din ang katotohanan. God bless you and your dad! :)

    ReplyDelete
  18. Sa lahat: Maraming, maraming salamat sa inyong mga dasal at suporta. Para sa mga huling balita tungkol sa isyung ito, basahin lang po ang 2nd half ng aking huling blog post sa: http://thecorsarius.multiply.com/journal/item/45/Bagong_Pangulo_ng_LIRA_At_Isang_Bagong_Simula :)

    ReplyDelete