Wednesday, February 4, 2009

Bagong Pangulo ng LIRA (At Isang Bagong Simula)

Noong nakaraang Linggo, inihalal ang bagong officers ng LIRA. Pagkatapos ng problemang kinaharap ng aming pamilya nitong Enero (pagkakadawit ng pangalan ni Daddy sa Alabang Boys case), pinadalhan ako ng Diyos ng isang napakagandang pagbabago sa buhay.

Isa lang ang masasabi ko, at sasabihin ko nang paulit-ulit: Nasa huli ang biyaya.

(Sa mga di-nakakaalam, ang LIRA ay isang samahan ng mga manunulat at makatang Filipino na itinatag ng National Artist for Literature Virgilio S. Almario a.k.a. Rio Alma nong 1985.)

Mga kaibigan, ang bagong Pamunuan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo:
  • Pangulo (President) - Phillip Kimpo Jr.
  • Pangalawang Pangulo (Vice-President) - Francisco "Kiko" Monteseña
  • Kalihim (Secretary) - Vivian "Beng" Limpin
  • Ingat-Yaman (Treasurer) - Enrique "En" Villasis
  • Tagapag-ugnay (Public Relations Officer) - Mariane Amor Romina "Ynna" Abuan

Ako, mukhang tanga. (Ser Rio sa background.)

Kuya Kiko, nagwagi sa sabong ni Rio Alma.

Miss Beng, nagulat sa isang bagong kaalaman: kabilang siya sa Pamunuan!

En (nakaputi, kasama si Ka Fer), nagbabantang tutuhugin ang mga bumoto sa kanya.

Ynna, pinapahirapan na kaagad sa trabaho ni ser Rio (i-PR daw niya ang menu ng Sarah's).

Mabuhay ang bagong Pamunuan ng LIRA!

Nais naming magpasalamat sa mga outgoing officers. Sila ang naglatag at naglunsad ng maraming magagandang proyekto para sa organisasyon. Nawa'y pagpalain sina Beverly Siy (pangulo), Raul "Tata" Funilas (pangalawang pangulo), Maureen Gaddi dela Cruz (kalihim), at Pamela Maranca (ingat-yaman) sa kanilang mga susunod na gawain sa buhay. (Si En ang PRO dati pero naglilingkod uli sa Pamunuan ngayon.)

Nais din naming batiin ang mga bagong pasok na kasapi ng LIRA:

Mga Ganap na Kasapi

  • Mariane Abuan
  • Teofilo Catanyag
  • Perfecto Edilo
  • Noel Fortun
  • Deborah Nieto
  • Willester Robles
  • Renato Santillan
  • Natalie Sepe
  • Ryan Tanauan

Probationary Member

  • Gigi Constantino
  • Sheila del Mundo
Aaminin kong kinakabahan akong magsilbing pinuno ng isang tanyag na organisasyon, lalo na't bata pa ako at isang taon pa lang mula nang nanumpa ako bilang kasapi. Ngunit kasabay ng kaba ang pananabik -- labis akong natutuwa sa lineup ng officers pati na rin sa bagong dugo ng LIRA, at gusto ko nang makatrabaho ang mga kaibigan kong ito para sa pagpapaunlad ng panitikan sa Filipinas.

Sa mga nagsisimulang makata at manunulat, bantayan lang po ang aming website dahil malapit na po kaming magbukas ng Fellowships para sa LIRA Poetry Clinic 2009. Kita kits sa Hunyo para sa simula ng mga worksyap!

* * * * *

Ang bilis ng isang buwan.

Noong Bagong Taon, nagsisimula pa lang ang pinakamasaklap na yugto ng buhay ko -- ang pagkakadawit ni Dad sa "panunuhol" sa Alabang Boys case. Ang hirap talaga, sobrang hirap ng mga pinagdaanan namin. Nagawa ko ang mga bagay na di ko sukat akalaing magagawa ko -- ipagtanggol si Dad sa diyaryo, lunukin ang 'pride' at magpadala ng sangkaterbang text at email sa kahit di ka-close, magpa-interview kay Ces Drilon, at kung ano-ano pa.

Langya 'yan. Di ko rin sukat akalain na lahat ng iyon, maipapanalo rin ang laban.

Nagawa ko.

Kaya ko pala.

At panulat lang ang naging sandata ko. Kaya kahit matagal ko nang tinatawag ang sarili kong manunulat, nitong buwan ko lang talaga naisapuso ang kasabihang "the pen is mightier than the sword."

Sa ibang panahon na ako makapagsusulat ng isang mas mahaba at 'tunay' na sanaysay tungkol sa mga nangyari, kaya heto ang isang summary:
  • Umabot pala sa kung saan-saan ang liham kong nagtatanggol kay Dad. Nabasa ng mga congressmen, ng mga pulitiko, ng mga abogado, ng mga pulis, ng kung sino-sino.
  • Sa mga congressional hearing at imbestigasyon ng NBI, lumabas na walang basehan ang mga alegasyon kay Dad. (Kung meron sa ibang opisyal/piskal, wala na akong pakialam doon.) Sabi nga ni Ynna, para na ngang 'non-existent' si Dad sa mga huling hearing at mga balita.
  • Binuksan ni Dad ang kanyang mga bank account sa Congress. Sinabi niya ang laman ng isang account: mga 3000 pesos (oo, tatlong libo) lang. Napatawa ang mga tao. Sabi ni Tita Baby, nagpalakpakan sila sa kanilang office sa puntong ito.
  • Nang nabasa daw ng boss ni Tita Baby (sa Bangko Sentral) ang liham ko, ipinaskil nila iyon sa bulletin board para mabasa ng lahat.
  • Nag-waive na si Dad ng kanyang bank secrecy rights. Pwede nang busisiin ng gobyerno ang laman ng lahat ng bank account niya. Baka mapatawa lang ang mga magbubusisi, dahil nga sa halip na "unexplained wealth," "unexplained poverty" ang makikita nila.
  • Sumikat ang bulok naming kotse dahil nabigyan ng media exposure. Hehe. Di na namin ibebenta ito. Pang-museum piece na!
  • Naaalala niyo si Major Marcelino? 'Yung militar na nasa PDEA na tinanghal na bayani sa media noong simula ng kontrobersiya? (PDEA ang naging katunggali ng DOJ sa kasong ito.) Sa isang hearing, lumapit siya at nakipagkamay kay Dad. Sabi niya, "Ser, nabasa ko ang letter ng anak mo."
Ayun lang muna. Basta, masaya ako. At sa tingin ko, panahon na na ibalik ko sa normal ang buhay ko.

Isang buwan ng katarantaduhan ang pinagdaanan ko, pero sa pagsimula ng bagong buwan (Pebrero), para bang binigyan ako ng Diyos ng isang sumisigaw na mensahe: "Eto, LIRA president ka na. Tagumpay 'yan. Kung di mo inaasahan ang Alabang Boys issue, di mo rin inaasahan ang ganito kalaking biyaya. Pambawi 'yan sa pinagdaanan mo, and more."

(Naks nagta-Taglish ang Diyos.)

Salamat sa lahat, sa lahat, sa lahat, at sa lahat. Mula sa Maykapal hanggang sa langgam. Sa lahat ng nagpakita ng suporta, susubukan kong magpasalamat sa inyo isa-isa, pero maniwala kayo, tinatandaan ko kayong lahat. Mahal ko kayo.

Enero 2 nang may sinulat akong liham na di ko akalaing napakalaki nang magiging epekto. Ngayon, Pebrero 5, tatapusin ko 'tong blog post na 'to kung paano ko sinimulan ang liham.

Eto si Phillip Kimpo Jr., 23, manunulat, makata, blogger. Nagsisimulang maglingkod sa panitikang Filipino bilang Pangulo ng LIRA...at nagsisimulang muli.



(At simulan na ang pag-a-upload muli ng nakabinbing photo albums!)

67 comments:

  1. congratulations PhiL!!! no questions asked kasi witty ka naman.;)

    ReplyDelete
  2. ayos! Congrats! Inuman tayo minsan at magkwentuhan ng mga tula tula. Si Rio Alma nagustuhan ko na. Nabasa ko yung tula niya sa tren. Magaling pala. =)

    ReplyDelete
  3. huy congrats sa inyo!!! :)

    ang cool naman ng japorms ni sir rio. hehehehe :)

    ReplyDelete
  4. "i-PR daw niya ang menu ng Sarah's"

    bwahahahaha!!! panalo!

    ReplyDelete
  5. congrats sa inyong mga officers! parang nakita ko lang kayo kahapon ah??!!!!

    ReplyDelete
  6. congratulations cuzin!sabi na keri-keri yan..with all ur friends and of course "us" ur family on the side.nuthin is impossible!thats wut they call a "FIGHTING KIMPO SPIRIT"

    ReplyDelete
  7. ganun naman talaga ang work ng PRO, sauluhin ang menu ng sarah's. bwahahaha!

    ReplyDelete
  8. Congratulations on both halves of this article!

    ReplyDelete
  9. wahahaha! oo nga no? kasi ikaw saulado mo! hehehehe! cge na nga uumpisahan ko na.

    ReplyDelete
  10. tae, hindi man lang nagpainum ang mga bagong-halal. hmpf! :D congrats!

    ReplyDelete
  11. Congratulations Phillip! Good luck to a year of leadership. :-) Di ko nakumpleto at natapos ang pagli-Lira ko noon. :(

    ReplyDelete
  12. grabe Philip! parang gusto kong maiyak sa nabasa ko..eh ang balak ko lang naman eh dumaan dito at magbigay-pugay sa bagong "P" ("Puno" ng kalokohan) ng LIRA. pero wala talagang mababaw ang luha ko sa mga mababait na anak -- ikaw ang alas ng iyong ama! (lalo na sa nasabi ni marcelino)..dahil siguroan din kaya nagawa ko ngmag-upload ng isang batch ng zambales photos (naku may utang pa ako kay former madam president)...muli maligayang pagbati sa lahat ng iyong napagtagumpayan at sa mga susunod pa!

    ReplyDelete
  13. congrats! Congrats! Congrats! Phil, wag na wag mo ko kalimutan...

    ReplyDelete
  14. tita raphel thank you po! we miss you! :)

    ReplyDelete
  15. maraming salamat manong! sige sana magawa natin 'yan. kung magkakataon, unang beses bang mapag-usapan ang tula sa isang Kimpo inuman? hehehe!

    at siyempre magaling si sir Rio. idol ko yan e :D

    ReplyDelete
  16. maraming salami, chelot!

    oo nga e, nawili na si ser sa kanyang sumbrero :P

    ReplyDelete
  17. kaso presyo nga lang ng bir, di pa rin nya kabisado! tsk tsk :P

    ReplyDelete
  18. hay laking tuwa ko lang nang nakapasok si debs sa lira! :)

    ReplyDelete
  19. salami uleb! oo nga e, long time no see? hehehe :) sayang at di namin kasama si debbie noon.

    ReplyDelete
  20. thanks manang klaudz. sana nga tuloy-tuloy na 'to at talagang ok na si daddy :) go kimpo!

    ReplyDelete
  21. maraming salamat po. anong batch kayo? pwede namang mag-LIRA uli hehe....:) o kaya'y sana makadaan ka sa mga lecture na ihahandog namin para sa publiko.

    ReplyDelete
  22. tenks tenks tenks jack! siempre walang kalimutan sa mga magbebespren ng 9th UST Workshop! uy ano, magbabakasyon ka ba sa pinas? ipapasyal ka namin ng Dapitdilim! :D

    ReplyDelete
  23. miss tina, sobra naman po akong na-touch sa inyong komento. ako rin nagulat at natuwa nang malamang nabasa rin ng mga taga-PDEA ang liham ko :)

    naku ako naman ang nahuhuling mag-upload ng zambales piks. nabigyan ko na si miss beng ng 3 (o 4?) CD na siksik sa piks. kung makakapagkita tayo soon, bibigyan ko rin po kayo.

    dadalo po ba kayo ulit sa LIRA ngayong taon? sana ang sagot niyo ay OO. miss na namin kayo! at di kami papayag na di kayo magli-LIRA ulit. magaling kayong tumula at siguradong may lugar para sa inyo sa mundo ng panitikan.

    salamat po sa suporta, sa pagbati, sa pagkakaibigan, at sa lahat. kita kits! :D

    ReplyDelete
  24. Isang mahigpit na pakikipagkamay!

    Maligayang bati sa iyong bagong tungkulin!

    ReplyDelete
  25. grabe nang pagtsamba yan, erp. di na makatarungan! :D
    kidding aside, bawi-bawi lang yan. sabi nga, there's always a rainbow apter da reyn. at putik. or baha, pag taga-menila ka like uz. congrats ule! : )

    ReplyDelete
  26. Supah Congatulations!! Nababalitaan ko ang mga pangyayari dahil din sa kadaldalan ni Ynna ;) Sana makilala naman kita in person para maniwala akong totoo ka at hindi hanggang picture lang :p hehe

    ReplyDelete
  27. from dad's own words hehe. sayang at di yun lumabas sa interview ni ces drilon :)

    ReplyDelete
  28. hehehe super tenks din! oo nga e di ko pa masyadong nakakasalamuha ang grad school friends ni ynna. one of these days, susulpot na lang ako sa tapsi :P

    ReplyDelete
  29. Congratulations! I hope things go well for you and your loved ones.

    Thanks for showing us how a writer can do wondrous things in today's society.

    God bless. :)

    ReplyDelete
  30. thanks a lot, joebet! :) and yes, even i was surprised at the "aftershocks" of my little piece of writing. lesson learned: just write for what's right!

    ReplyDelete
  31. helow... maki-join lang sa chikah heheheheheeh... natawa lang ako sa sinabi mong "totoo ka at hindi hanggang sa picture lang"... si Ynna kasi baka naman mahilig mag-kuwento yan ng mga imahinasyon... pwamis... totoo si phil. batang "hiraya manawari" ata yan...

    ReplyDelete
  32. helow... maki-join lang sa chikah heheheheheeh... natawa lang ako sa sinabi ni feeyuhtot "totoo ka at hindi hanggang sa picture lang"... si Ynna kasi baka naman mahilig mag-kuwento yan ng mga imahinasyon... pwamis... totoo si phil. batang "hiraya manawari" ata yan...

    ReplyDelete
  33. nak ng, ngayon ko pa lang nabasa itong reply mo! hahaha, 10 days delayed??

    oo nga e, bawi-bawi lang. parang rolerkoster. tataas, bababa. wag lang kumalas at tumapon sa ere! :))

    ReplyDelete
  34. hahaha binida mo na naman ako jack! salamats :P alam na niyang totoo ako at hindi hanggang piktyur lang...nagkita na kami sa may tapsi hehehe!

    ReplyDelete
  35. seryoso to: i never get to watch much on whatever's happening saten, or kahit sa dyaryo, kaya I'm not aware about details of the Alabang Boys' case.. I felt like I just have to say this. just today, while reading through the blogs of my friends, I just fancied on going sa blogs ng mga tao na nagrereply sa kanila, so I clicked on yours, and I read your posts about your dad and the letter you sent sa dyaryo, I was super touched talaga sa letter na ginawa mo, I was close to tears while reading the letter. it really moved me grabe, super congrats sayo and sa dad mo! ^_^

    ReplyDelete
  36. uy carlo, maraming maraming salamat! kapag nakakabasa ako ng mga comments tulad nang sa iyo, lubha akong napapasaya at lalo akong naniniwala na tama ang ginawa ko, kahit di ako sigurado noon sa magiging epekto ng liham ko. :) salamat uli!

    ReplyDelete