Isa lang ang masasabi ko, at sasabihin ko nang paulit-ulit: Nasa huli ang biyaya.
(Sa mga di-nakakaalam, ang LIRA ay isang samahan ng mga manunulat at makatang Filipino na itinatag ng National Artist for Literature Virgilio S. Almario a.k.a. Rio Alma nong 1985.)
Mga kaibigan, ang bagong Pamunuan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo:
- Pangulo (President) - Phillip Kimpo Jr.
- Pangalawang Pangulo (Vice-President) - Francisco "Kiko" Monteseña
- Kalihim (Secretary) - Vivian "Beng" Limpin
- Ingat-Yaman (Treasurer) - Enrique "En" Villasis
- Tagapag-ugnay (Public Relations Officer) - Mariane Amor Romina "Ynna" Abuan
Mabuhay ang bagong Pamunuan ng LIRA!
Nais naming magpasalamat sa mga outgoing officers. Sila ang naglatag at naglunsad ng maraming magagandang proyekto para sa organisasyon. Nawa'y pagpalain sina Beverly Siy (pangulo), Raul "Tata" Funilas (pangalawang pangulo), Maureen Gaddi dela Cruz (kalihim), at Pamela Maranca (ingat-yaman) sa kanilang mga susunod na gawain sa buhay. (Si En ang PRO dati pero naglilingkod uli sa Pamunuan ngayon.)
Nais din naming batiin ang mga bagong pasok na kasapi ng LIRA:
Mga Ganap na Kasapi
- Mariane Abuan
- Teofilo Catanyag
- Perfecto Edilo
- Noel Fortun
- Deborah Nieto
- Willester Robles
- Renato Santillan
- Natalie Sepe
- Ryan Tanauan
Probationary Member
- Gigi Constantino
- Sheila del Mundo
Sa mga nagsisimulang makata at manunulat, bantayan lang po ang aming website dahil malapit na po kaming magbukas ng Fellowships para sa LIRA Poetry Clinic 2009. Kita kits sa Hunyo para sa simula ng mga worksyap!
* * * * *
Ang bilis ng isang buwan.
Noong Bagong Taon, nagsisimula pa lang ang pinakamasaklap na yugto ng buhay ko -- ang pagkakadawit ni Dad sa "panunuhol" sa Alabang Boys case. Ang hirap talaga, sobrang hirap ng mga pinagdaanan namin. Nagawa ko ang mga bagay na di ko sukat akalaing magagawa ko -- ipagtanggol si Dad sa diyaryo, lunukin ang 'pride' at magpadala ng sangkaterbang text at email sa kahit di ka-close, magpa-interview kay Ces Drilon, at kung ano-ano pa.
Langya 'yan. Di ko rin sukat akalain na lahat ng iyon, maipapanalo rin ang laban.
Nagawa ko.
Kaya ko pala.
At panulat lang ang naging sandata ko. Kaya kahit matagal ko nang tinatawag ang sarili kong manunulat, nitong buwan ko lang talaga naisapuso ang kasabihang "the pen is mightier than the sword."
Sa ibang panahon na ako makapagsusulat ng isang mas mahaba at 'tunay' na sanaysay tungkol sa mga nangyari, kaya heto ang isang summary:
- Umabot pala sa kung saan-saan ang liham kong nagtatanggol kay Dad. Nabasa ng mga congressmen, ng mga pulitiko, ng mga abogado, ng mga pulis, ng kung sino-sino.
- Sa mga congressional hearing at imbestigasyon ng NBI, lumabas na walang basehan ang mga alegasyon kay Dad. (Kung meron sa ibang opisyal/piskal, wala na akong pakialam doon.) Sabi nga ni Ynna, para na ngang 'non-existent' si Dad sa mga huling hearing at mga balita.
- Binuksan ni Dad ang kanyang mga bank account sa Congress. Sinabi niya ang laman ng isang account: mga 3000 pesos (oo, tatlong libo) lang. Napatawa ang mga tao. Sabi ni Tita Baby, nagpalakpakan sila sa kanilang office sa puntong ito.
- Nang nabasa daw ng boss ni Tita Baby (sa Bangko Sentral) ang liham ko, ipinaskil nila iyon sa bulletin board para mabasa ng lahat.
- Nag-waive na si Dad ng kanyang bank secrecy rights. Pwede nang busisiin ng gobyerno ang laman ng lahat ng bank account niya. Baka mapatawa lang ang mga magbubusisi, dahil nga sa halip na "unexplained wealth," "unexplained poverty" ang makikita nila.
- Sumikat ang bulok naming kotse dahil nabigyan ng media exposure. Hehe. Di na namin ibebenta ito. Pang-museum piece na!
- Naaalala niyo si Major Marcelino? 'Yung militar na nasa PDEA na tinanghal na bayani sa media noong simula ng kontrobersiya? (PDEA ang naging katunggali ng DOJ sa kasong ito.) Sa isang hearing, lumapit siya at nakipagkamay kay Dad. Sabi niya, "Ser, nabasa ko ang letter ng anak mo."
Isang buwan ng katarantaduhan ang pinagdaanan ko, pero sa pagsimula ng bagong buwan (Pebrero), para bang binigyan ako ng Diyos ng isang sumisigaw na mensahe: "Eto, LIRA president ka na. Tagumpay 'yan. Kung di mo inaasahan ang Alabang Boys issue, di mo rin inaasahan ang ganito kalaking biyaya. Pambawi 'yan sa pinagdaanan mo, and more."
(Naks nagta-Taglish ang Diyos.)
Salamat sa lahat, sa lahat, sa lahat, at sa lahat. Mula sa Maykapal hanggang sa langgam. Sa lahat ng nagpakita ng suporta, susubukan kong magpasalamat sa inyo isa-isa, pero maniwala kayo, tinatandaan ko kayong lahat. Mahal ko kayo.
Enero 2 nang may sinulat akong liham na di ko akalaing napakalaki nang magiging epekto. Ngayon, Pebrero 5, tatapusin ko 'tong blog post na 'to kung paano ko sinimulan ang liham.
Eto si Phillip Kimpo Jr., 23, manunulat, makata, blogger. Nagsisimulang maglingkod sa panitikang Filipino bilang Pangulo ng LIRA...at nagsisimulang muli.
(At simulan na ang pag-a-upload muli ng nakabinbing photo albums!)
congratulations PhiL!!! no questions asked kasi witty ka naman.;)
ReplyDeleteCongrats!
ReplyDeleteayos! Congrats! Inuman tayo minsan at magkwentuhan ng mga tula tula. Si Rio Alma nagustuhan ko na. Nabasa ko yung tula niya sa tren. Magaling pala. =)
ReplyDelete=)
ReplyDeletehuy congrats sa inyo!!! :)
ReplyDeleteang cool naman ng japorms ni sir rio. hehehehe :)
"i-PR daw niya ang menu ng Sarah's"
ReplyDeletebwahahahaha!!! panalo!
Congrats!
ReplyDeletemuka ka pa ring pwet! galing!
ReplyDeleteyey!! (:
ReplyDeletecongrats sa inyong mga officers! parang nakita ko lang kayo kahapon ah??!!!!
ReplyDeletecongratulations cuzin!sabi na keri-keri yan..with all ur friends and of course "us" ur family on the side.nuthin is impossible!thats wut they call a "FIGHTING KIMPO SPIRIT"
ReplyDeletecongrats! :)
ReplyDeleteyehess namaaaannnn! :)
ReplyDeleteganun naman talaga ang work ng PRO, sauluhin ang menu ng sarah's. bwahahaha!
ReplyDeleteCongratulations on both halves of this article!
ReplyDeletewahahaha! oo nga no? kasi ikaw saulado mo! hehehehe! cge na nga uumpisahan ko na.
ReplyDeletetae, hindi man lang nagpainum ang mga bagong-halal. hmpf! :D congrats!
ReplyDeleteteka SI KIKO KALBOOOOO!!! :D
ReplyDeleteCongrats Kimps! :) Galingan mo!
ReplyDeleteCongratulations Phillip! Good luck to a year of leadership. :-) Di ko nakumpleto at natapos ang pagli-Lira ko noon. :(
ReplyDeletegrabe Philip! parang gusto kong maiyak sa nabasa ko..eh ang balak ko lang naman eh dumaan dito at magbigay-pugay sa bagong "P" ("Puno" ng kalokohan) ng LIRA. pero wala talagang mababaw ang luha ko sa mga mababait na anak -- ikaw ang alas ng iyong ama! (lalo na sa nasabi ni marcelino)..dahil siguroan din kaya nagawa ko ngmag-upload ng isang batch ng zambales photos (naku may utang pa ako kay former madam president)...muli maligayang pagbati sa lahat ng iyong napagtagumpayan at sa mga susunod pa!
ReplyDeletecongrats! Congrats! Congrats! Phil, wag na wag mo ko kalimutan...
ReplyDeletetita raphel thank you po! we miss you! :)
ReplyDeletethanks po!
ReplyDeletemaraming salamat manong! sige sana magawa natin 'yan. kung magkakataon, unang beses bang mapag-usapan ang tula sa isang Kimpo inuman? hehehe!
ReplyDeleteat siyempre magaling si sir Rio. idol ko yan e :D
:D
ReplyDeletemaraming salami, chelot!
ReplyDeleteoo nga e, nawili na si ser sa kanyang sumbrero :P
kaso presyo nga lang ng bir, di pa rin nya kabisado! tsk tsk :P
ReplyDeletesalamat po!
ReplyDeleteikaw rin! salamat!
ReplyDeletehay laking tuwa ko lang nang nakapasok si debs sa lira! :)
ReplyDeletesalami uleb! oo nga e, long time no see? hehehe :) sayang at di namin kasama si debbie noon.
ReplyDeletethanks manang klaudz. sana nga tuloy-tuloy na 'to at talagang ok na si daddy :) go kimpo!
ReplyDeletethanks chuck! :)
ReplyDeletetsumamba uleeeeeeeet! :))
ReplyDeletehindi mo kakayanin!!!! :P
ReplyDeletethank you very much! :)
ReplyDeletehehehehe next time. salamat! :D
ReplyDeleteat bagay sa kanya! :P
ReplyDeletetenks mike. susubukan ko! hehehe ;)
ReplyDeletemaraming salamat po. anong batch kayo? pwede namang mag-LIRA uli hehe....:) o kaya'y sana makadaan ka sa mga lecture na ihahandog namin para sa publiko.
ReplyDeletetenks tenks tenks jack! siempre walang kalimutan sa mga magbebespren ng 9th UST Workshop! uy ano, magbabakasyon ka ba sa pinas? ipapasyal ka namin ng Dapitdilim! :D
ReplyDeletemiss tina, sobra naman po akong na-touch sa inyong komento. ako rin nagulat at natuwa nang malamang nabasa rin ng mga taga-PDEA ang liham ko :)
ReplyDeletenaku ako naman ang nahuhuling mag-upload ng zambales piks. nabigyan ko na si miss beng ng 3 (o 4?) CD na siksik sa piks. kung makakapagkita tayo soon, bibigyan ko rin po kayo.
dadalo po ba kayo ulit sa LIRA ngayong taon? sana ang sagot niyo ay OO. miss na namin kayo! at di kami papayag na di kayo magli-LIRA ulit. magaling kayong tumula at siguradong may lugar para sa inyo sa mundo ng panitikan.
salamat po sa suporta, sa pagbati, sa pagkakaibigan, at sa lahat. kita kits! :D
Isang mahigpit na pakikipagkamay!
ReplyDeleteMaligayang bati sa iyong bagong tungkulin!
pakabait ka rin... =D
ReplyDeleteCONGRATULATIONS!!!! *hugs you*
ReplyDeletemaraming maraming salamat, dexter! :)
ReplyDeletethanks macy!!! *hugs back* :D
ReplyDelete"unexplained poverty". heh. good one.
ReplyDeleteCONGRATS PO!
ReplyDeletegrabe nang pagtsamba yan, erp. di na makatarungan! :D
ReplyDeletekidding aside, bawi-bawi lang yan. sabi nga, there's always a rainbow apter da reyn. at putik. or baha, pag taga-menila ka like uz. congrats ule! : )
Supah Congatulations!! Nababalitaan ko ang mga pangyayari dahil din sa kadaldalan ni Ynna ;) Sana makilala naman kita in person para maniwala akong totoo ka at hindi hanggang picture lang :p hehe
ReplyDeletefrom dad's own words hehe. sayang at di yun lumabas sa interview ni ces drilon :)
ReplyDeletemaraming salamat po!!
ReplyDeletehehehe super tenks din! oo nga e di ko pa masyadong nakakasalamuha ang grad school friends ni ynna. one of these days, susulpot na lang ako sa tapsi :P
ReplyDeletewow, congrats bro! =)
ReplyDeletethanks jonel! :D
ReplyDeleteBigatin ka na!
ReplyDeletenye! di naman pepoy :P
ReplyDeleteCongratulations! I hope things go well for you and your loved ones.
ReplyDeleteThanks for showing us how a writer can do wondrous things in today's society.
God bless. :)
thanks a lot, joebet! :) and yes, even i was surprised at the "aftershocks" of my little piece of writing. lesson learned: just write for what's right!
ReplyDeletehelow... maki-join lang sa chikah heheheheheeh... natawa lang ako sa sinabi mong "totoo ka at hindi hanggang sa picture lang"... si Ynna kasi baka naman mahilig mag-kuwento yan ng mga imahinasyon... pwamis... totoo si phil. batang "hiraya manawari" ata yan...
ReplyDeletehelow... maki-join lang sa chikah heheheheheeh... natawa lang ako sa sinabi ni feeyuhtot "totoo ka at hindi hanggang sa picture lang"... si Ynna kasi baka naman mahilig mag-kuwento yan ng mga imahinasyon... pwamis... totoo si phil. batang "hiraya manawari" ata yan...
ReplyDeletenak ng, ngayon ko pa lang nabasa itong reply mo! hahaha, 10 days delayed??
ReplyDeleteoo nga e, bawi-bawi lang. parang rolerkoster. tataas, bababa. wag lang kumalas at tumapon sa ere! :))
hahaha binida mo na naman ako jack! salamats :P alam na niyang totoo ako at hindi hanggang piktyur lang...nagkita na kami sa may tapsi hehehe!
ReplyDeleteseryoso to: i never get to watch much on whatever's happening saten, or kahit sa dyaryo, kaya I'm not aware about details of the Alabang Boys' case.. I felt like I just have to say this. just today, while reading through the blogs of my friends, I just fancied on going sa blogs ng mga tao na nagrereply sa kanila, so I clicked on yours, and I read your posts about your dad and the letter you sent sa dyaryo, I was super touched talaga sa letter na ginawa mo, I was close to tears while reading the letter. it really moved me grabe, super congrats sayo and sa dad mo! ^_^
ReplyDeleteuy carlo, maraming maraming salamat! kapag nakakabasa ako ng mga comments tulad nang sa iyo, lubha akong napapasaya at lalo akong naniniwala na tama ang ginawa ko, kahit di ako sigurado noon sa magiging epekto ng liham ko. :) salamat uli!
ReplyDelete