Saturday, March 14, 2009

UP Lantern Parade '08 Pt. 2: Front Row, Fireworks




Pagkatapos ng pag-ikot ng mga parol sa Academic Oval (at saglit naming pagsama sa CAL contingent), nakatsamba kaming makapuwesto sa harap ng mismong performance area sa UP Oblation plaza.

Dumiskarte ako para makapuwesto doon. Kami nina Ynna at Debbie ang ilan sa pinakaunang nakaupo sa harap; dumagdag na lang nang humaba ang parada.

(Sikreto na lang kung paano ako nakapuwesto. Basta malaki ang nagagawa ng may camerang maganda; di ko naman kailangan sabihing manunulat ako at hindi talaga photographer! Hehe.)

Di malaon, panahon na para sa pinakaaabangang fireworks display. As usual, astig ang mga paputok na dinonate ng Beta Ep. Namangha ang dalawang kasama kong taga-Uste, sina Ynna at Debbie.

Pagkatapos ng fireworks, pumunta kami sa CAL Dean's Office, kung saan inaantay kami ni sir Rio Alma dahil may mga regalong nag-aabang para sa amin.

Pag-uwi ni ser Rio, nakipagkita naman kaming tatlo sa mga pamangkin ni Ynna. Gamit ang van ni Ramil, tumulak kami tungong Mister Kebab sa West Avenue.

Dahil masyadong marami ang pics ko mula sa araw na 'to, minabuti ko nang hatiin sa dalawang album:
Kasama na pala rito ang ilang piling retrato mula sa camera ni Ynna.

7 comments:

  1. classmate ko yan sa first year! ginamit nya ulit yung costume sa lantern parade last year. hahaha feel nya lang kasi :p

    ReplyDelete
  2. ano daw pakiramdam ng isang 'campus hottie'? wahaha. oo nga e, patok na patok lang siya noong centennial celebration! :P

    ReplyDelete
  3. hahahaha! nagmana po sa mommy at auntie nila. :D

    ReplyDelete
  4. gawd, ang cute naman ng pamangkin mo. tamis tamisan itey

    ReplyDelete
  5. sana babies pa ang mga anak ko.. hay

    ReplyDelete