Saturday, April 25, 2009

Dumaguete Workshop Fellows sa Philippine Star

Tatlong oras mula ngayon, lilipad na ako papuntang Negros. Simula na ng tatlong linggo kong pagsabak sa mga workshop. (At kung bibilangin ang pagiging staffer sa UP NWW -- one week down, three to go!)

Lumabas ang pangalan ng mga Dumaguete National Writers Workshop Fellows sa column ni Krip Yuson noong Lunes:

Naglabas na rin ng official PR ang IYAS Creative Writing Workshop:

The IYAS Creative Writing Workshop proudly announces its roster of Fellows for 2009.

The Fellows for Fiction are: Jesus Miguel Agreda, Gil Montinola (Hiligaynon), Russel Stanley Geronimo, Ramon Antonio Pandan (English), Irish Angelica Ibon (Filipino), and Errol Merquita (Cebuano).

The Fellows for Poetry in English are: Patricia Magno, Vanessa Mae Almeria, Jan Paulo Bastareche and Deborah Rosalind Nieto.

The Fellows for Poetry in Filipino are: Philip Kimpo, Joselito Delos Reyes and Vijae Alquisola.

The Fellows for Poetry in Cebuano are: Neil Genica and Cindy Velasquez.

The panelists for this year are Dr. Marjorie Evasco, Dr. Elsie Coscolluela, Dr. Genevieve Asenjo, Dr. Leoncio Deriada, Dr. Anthony Tan and Prof. John Iremil Teodoro.

The IYAS Creative Writing Workshop is sponsored by the University of St. La Salle and the Bienvenido N. Santos Creative Writing Center of De La Salle University and the National Commission for Culture and the Arts.

Mapapansing magkaibang tao ako sa dalawang listahan kung pagbabasehan ang pangalan. Hehe.

Ayun. Susubukan kong mag-update ng blag (plis sana may wi-fi do'n). Kung wala, e di kita-kits pagkatapos ng tatlong linggo.

P.S. Congrats sa ka-Dapitdilim kong si Rhom na kakabalita kong pupunta sa UP DFPP Workshop. Apat na DD writers (Ynna, Debbie) na magwoworksyap ngayong summer? Ayus! :)

Thursday, April 23, 2009

Aklan '09 9: Farewell Boracay, Kalibo




Jan. 21, 2009: Leaving Boracay Island after our boozefest of a night, then leaving my hometown of Kalibo for Manila.

Before lunch ata e umalis na kami ng hotel for the Cagban Jetty Port boat, which then took us to Caticlan proper. We then rode the van to Kalibo, where we ate brunch and picked up our things at the Kimpo ancestral home. Masayang-malungkot ang airplane ride pa-Maynila -- natapos na din ang 6-day Ati-Atihan plus Boracay vacation namin, at balik na sa regular programming.

Halo-halo na pala dito ang mga pics namin ni Ynna.

Album list of our vacation:
Trip background:

Isang pulutong kaming bumiyahe: kaming mga Dapitdilim-LIRA writer-poets (Ynna, Debbie, Carla, Rey, Rom) at si sir Rio (National Artist for Literature Virgilio S. Almario) kasama ang kanyang asawa, si ma'am Lin.

Unang beses ng mga kasama kong 'bagets' na makapunta sa Aklan. Tinarget nila ang Boracay pero mas nahalina sa Ati-Atihan, kung saan ang buong bayan ay naglalasing, sumasayaw, tumatalon, at humihiyaw. (Basahin ang essay kong lumabas sa Feb.-March issue ng Balikbayan travel & lifestyle magazine para sa aming karanasan.)

Aklan '09 8: Boracay Sunset & Partying




Jan. 20, 2009: The afternoon-evening activities after hitting the beach and the sandplay:

- lunch at The Hobbit House
- shopping
- viewing the sunset
- short rest at the hotel
- shopping again before dinner at Smoke
- boozefest at the beach
- party at Summer Place.

Wasak kami pagkatapos ng gabing 'to, kaya nahirapan din gumising para sa departure kinabukasan...at nasa susunod na album na 'yun.

Halo-halo na pala dito ang mga pics namin ni Ynna, at may hiniram ako from manang Diana.

Album list of our vacation:
Trip background:

Isang pulutong kaming bumiyahe: kaming mga Dapitdilim-LIRA writer-poets (Ynna, Debbie, Carla, Rey, Rom) at si sir Rio (National Artist for Literature Virgilio S. Almario) kasama ang kanyang asawa, si ma'am Lin.

Unang beses ng mga kasama kong 'bagets' na makapunta sa Aklan. Tinarget nila ang Boracay pero mas nahalina sa Ati-Atihan, kung saan ang buong bayan ay naglalasing, sumasayaw, tumatalon, at humihiyaw. (Basahin ang essay kong lumabas sa Feb.-March issue ng Balikbayan travel & lifestyle magazine para sa aming karanasan.)

Aklan '09 7: Boracay Swimming & Sandplay




Jan. 20, 2009: At home at my childhood vacation spot -- the white sands of Boracay -- after the dinner by the beach the night before.

We first had breakfast at my favorite Boracay morning spot, Real Coffee, before hitting the beach. Medyo makulimlim ng umagang 'to.

Nang napagod at nagutom, we left the beach for lunch before shopping...at nasa susunod na album na 'yun.

Halo-halo na pala dito ang mga pics namin ni Ynna.

Album list of our vacation:
Trip background:

Isang pulutong kaming bumiyahe: kaming mga Dapitdilim-LIRA writer-poets (Ynna, Debbie, Carla, Rey, Rom) at si sir Rio (National Artist for Literature Virgilio S. Almario) kasama ang kanyang asawa, si ma'am Lin.

Unang beses ng mga kasama kong 'bagets' na makapunta sa Aklan. Tinarget nila ang Boracay pero mas nahalina sa Ati-Atihan, kung saan ang buong bayan ay naglalasing, sumasayaw, tumatalon, at humihiyaw. (Basahin ang essay kong lumabas sa Feb.-March issue ng Balikbayan travel & lifestyle magazine para sa aming karanasan.)

Aklan '09 6: From Ati-Atihan to Boracay Island




Jan. 19, 2009: Van & boat ride to my childhood vacation spot -- the white sands of Boracay -- after our Ati-Atihan drinking spree with National Artist Rio Alma.

Pero bago kami sumakay ng inarkilang van, binisita muna namin ang mga lolo, lola, at tito ko sa sementeryo ng Kalibo. Pagkatapos ay nagshopping kami ng mga pasalubong sa palengke pati na rin mga murang t-shirt at sunglasses.

Kasama naming mga writer-poet sa biyahe ang mga pinsan kong sina manang Khiara at Diana at ang kanyang BF na si manong Rio (not to be confused with sir Rio hehe).

Late afternoon na kami nakarating sa tanyag na isla ng aming lalawigan, just in time para maranasan ng mga kasama ko ang kanilang unang hapon sa white sands nito.

Pagkatapos nilang matikman ang dagat ng Boracay, kumain na kami sa Paradiso Grill. Then, shopping. At nang mapagod, natulog na sila, samantalang naglakad muna kami ni Ynna sa beach.

Kinabukasan ang 1st full day nila sa Boracay...at nasa susunod na album na 'yun.

Halo-halo na pala dito ang mga pics namin ni Ynna at manang Diana.

Album list of our vacation:
Trip background:

Isang pulutong kaming bumiyahe: kaming mga Dapitdilim-LIRA writer-poets (Ynna, Debbie, Carla, Rey, Rom) at si sir Rio (National Artist for Literature Virgilio S. Almario) kasama ang kanyang asawa, si ma'am Lin.

Unang beses ng mga kasama kong 'bagets' na makapunta sa Aklan. Tinarget nila ang Boracay pero mas nahalina sa Ati-Atihan, kung saan ang buong bayan ay naglalasing, sumasayaw, tumatalon, at humihiyaw. (Basahin ang essay kong lumabas sa Feb.-March issue ng Balikbayan travel & lifestyle magazine para sa aming karanasan.)

Wednesday, April 22, 2009

Aklan '09 5: Ati-Atihan Boozefest w/ a National Artist




Jan. 18, 2009: Ati-Atihan culminating Sunday, Kimpo food fest, and drinking spree w/ National Artist Rio Alma after Saturday's drunken street dancing.

Sa umaga, di muna naki-join sa parada kaming mga Dapitdilim-LIRA writers; inantay muna namin ang piyesta sa bahay namin. Nang sumugod na ang ibang mga bisita sa hapag-kainan, sinundo ko na ang aming "guests of honor," ang National Artist for Literature Rio Alma at kanyang asawa, si ma'am Lin. Baka maubusan kasi kami hehe.

Pagdating ng hapon, di kami kagad nakalabas dahil umulan. Nang nakapunta sa plaza, di rin kami nagtagal dahil may sinat si Carling. Habang nagpapahinga si ate, Rey, at Rom -- at habang nawawala si Debbie na nagpapa-henna pala -- lumakwatsa kami ni Ynna at nakihalubilo sa mga nagpaparada.

Bago bumalik sa bahay, dumaan muna kami ni Ynna sa katedral, na siya namang dinadagsa noon ng mga tao para sa ritwal ng "paeapak."

Kinagabihan, nakipagwasakan kami ng atay kasama si sir Rio habang inaasar ng panaka-nakang brownout ang Kalibo. Nagliwaliw muna kami sa plaza bago namin puntahan si ser sa kanilang hotel sa Bread & Butter. (Oo, yan talaga ang pangalan. Sikat na bakery chain kasi ang B&B sa Kalibo, and they translated their wealth into a small and cozy hotel.) Nagbrownout nang mga 20 minuto noong nasa kalye na kami, pero walang paki ang mga tao, enjoy pa rin sa parada at street party.

Lagpas hatinggabi na kami natapos makipagtomahan kay ser (flight nila pauwi ng Maynila kinabukasan samantalang papunta kaming mga bata sa Boracay). Habang naglalakad pauwi sa aming ancestral home, nasita pa ng ilang kalalakihang Kalibonhon ang mga gerls dahil ang iingay magtawanan sa gitna ng kalye.

Pagdating sa bahay, uminom pa kami uli ng kaunti kasama sina manang Khiara at Kim. Buti at nakagising kami nang medyo maaga-aga kinaumagahan para sa aming Boracay trip...at nasa susunod na album na 'yun.

Halo-halo na pala dito ang mga pics namin ni Ynna.

Album list of our vacation:
Trip background:

Isang pulutong kaming bumiyahe: kaming mga Dapitdilim-LIRA writer-poets (Ynna, Debbie, Carla, Rey, Rom) at si sir Rio (National Artist for Literature Virgilio S. Almario) kasama ang kanyang asawa, si ma'am Lin.

Unang beses ng mga kasama kong 'bagets' na makapunta sa Aklan. Tinarget nila ang Boracay pero mas nahalina sa Ati-Atihan, kung saan ang buong bayan ay naglalasing, sumasayaw, tumatalon, at humihiyaw. (Basahin ang essay kong lumabas sa Feb.-March issue ng Balikbayan travel & lifestyle magazine para sa aming karanasan.)

Eight Days, Seven Nights in Baguio

Nitong nakaraang Linggo natapos ang UP National Writers Workshop 2009 sa Camp John Hay, Baguio City kung saan naglingkod ako bilang Staffer.

Isa sa pinakamagandang karanasan sa buhay ko ang nagdaang linggo -- at hindi lang dahil libre ang sosyal na accomodations (libo-libo ata ang ginastos ng UP at NCCA para sa kama ko) at pagkain (limang beses kami kumain bawat araw).

(At oo, ilang araw nang delayed ang blog post na 'to.)

Alam ng mga kaibigan kong di ako masyadong lumalabas; sabi nga ni Ynna, isang malaking independence check ang Baguio trip na 'to. Ito kasi ang unang pagkakataon na bumiyahe akong walang kasamang kamag-anak o kabarkada.

Wel, sakses. Nakailang beses din akong gumala sa Camp John Hay at bumaba sa lungsod nang mag-isa. Masarap ang pakiramdam.

Pero mas masarap kaysa paggala ang pagiging malapit namin sa kalikasan. For a change e hindi ako sa kabisera ng Baguio nanirahan, kung saan maingay at maraming tao. Kung magiging mais ako, sasabihin kong "one with Gaia" ka do'n sa AIM Igorot Lodge.

O siya, tama na ang dada. Eto ang ilang pics mula sa 10 photo albums ng UPNWW 2009. (Nasa baba ang links sa bawat album; do'n niyo na lang tingnan ang sangkatutak na retrato ng workshop in action.)

The Place

AIM Igorot Lodge, Camp John Hay.

Workshop venue: the Multipurpose Hall.

Pinalibutan kami ng golf course.

Kuwarto ko (Room 25).

Arkitektura ng AIM Igorot Lodge.

The People

Kaming mga Staffer sa BenCab Museum: Butch Guerrero, Eva Cadiz, Vic Nierva, ako.

UPNWW 2009 Fellows, Panelists, and Staffers.

Norman Wilwayco, ako, Mikael Co, Jing Panganiban-Mendoza, at Amang Jun Cruz Reyes (nakaupo).

Panelists & Staffers sa bahay ni Delfin Tolentino sa Mirador Hill.


The Food & Booze

Ang panulak.

Eva at ang aming Day 8 brunch.

Donuts.

Day X lunch.

Dessert noong Graduation Night.

Wasak.

The Diversions

Tanawin mula sa BenCab Museum, Tuba, Benguet. (Nasa kanan ang bundok na di-umano'y binili ni Ben Cabrera.)

Mag-isang paglilibot sa SM Baguio.

Inuman ng mga UPNWW Fellows & Panelists kasama ang Baguio Writers Group sa VOCAS, Session Road.

Forest House Bistro & Cafe.

Delfin Tolentino's Residence, Mirador Hill.

Heto pala ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:

Sunday, April 19, 2009

48th UP National Writers Workshop: Leaving Baguio




Abril 19, 2009: huling araw ng UPNWW 2009.

Mais 'to, pero magkahalong mga emosyon ang naramdaman ko pag-alis ng Baguio. Malungkot dahil tapos na ang libreng bakasyon (top-notch accommodations, top-notch food, top-notch people, top-notch ang literary discussions, lahat na itapnats mo). Masaya dahil makakabalik na 'ko sa mga mahal ko sa Maynila. Naginhawaan dahil natapos ko na rin ang trabaho, pinalakpakan para dito, at naka-survive pagkatapos ng pinakamatagal kong panahon na bumiyaheng walang kamag-anak at kabarkada. (Oo, homebody ako.)

Ang naging daloy ng araw:

9:00 AM - Brunch
10:00 AM - Namili kami ni Doc Mic (sir Mario Miclat) ng mga pasalubong at kung ano-ano pa sa Camp John Hay Mile-Hi Center
11:00 - Pag-alis ng bus namin sa CJH
5:00 - Pagdating sa UP Diliman

Sa uulitin. (Staffer man...o Fellow na. Hehe libre naman mangarap.)

Ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:Para sa mga detalye ng Workshop, magtungo lang sa www.upwritersworkshop09.tk :)

Saturday, April 18, 2009

48th UP National Writers Workshop Graduation Night




Abril 18, 2009: pagtatapos ng mga Fellows ng UPNWW 2009.

Isang buod: may pista, may Magic Sing, may group pics, may mga speech c/o Rio Alma & Iwa Wilwayco, at siyempre, may toma.

Nalaman ko rin na kapwa tubong-Galas pala ang napakatinik na makatang si Carlomar Daoana, at balak niyang sumulat ng mga sanaysay tungkol sa aming lugar. Di pa naaabot ng Galas ang tanyag ng Tondo at Sampaloc pero medyo kilala naman sa QC at Maynila bilang tigasing komunidad.

Nakahanap ako ng kakampi kay Carlomar; tinatalakay ko rin kasi ang Galas sa ilang sanaysay ng tinatapos kong aklat na Corsair of Cor-Street. ('Cor-Street' being Cordillera St., one of Galas' main arteries.) Nagkasundo kami ni Carlomar na ipapalaganap ang mito ng Galas hehehe.

(Sino pa mga manunulat na taga-Galas? Naghahanap kami. Maglabas tayo ng isang aklat!)

Kulang ang mga retrato ng Fellows diyan sa baba. Hindi ko kasi nakunan si Jing Panganiban-Mendoza na tumatanggap ng kanyang certificate. Nagkaproblema ang camera -- sa flash ata -- nung turn niya na. Badtrip talaga, bakit pa kasi ako nag-auto mode. Pasensya na po ma'am Jing!

Ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:Para sa mga detalye ng Workshop, magtungo lang sa www.upwritersworkshop09.tk :)

Friday, April 17, 2009

48th UP National Writers Workshop: Mirador Hill




Abril 17, 2009: Pagkatapos ng Day 6, dumalaw ang mga panelist at kaming apat na staffer ng UPNWW 2009 sa bahay ni Delfin Tolentino sa Mirador Hill.

Ilang bagay:

- Malapit sa Grotto of Our Lady of Lourdes ang napaka-astig na bahay ni sir Del. Sabi nga ng mga panelist, "this is an artist's house." Dream house ko 'to sa isa sa mga dream places ko, Baguio (the other two being Bolinao & Boracay).

- Pinarangalan si sir Del ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas last year sa UMPIL Congress 2008.

- Ang sarap lang ng juice na tinimpla ni sir Del. May secret ingredient daw hehe. Di ko sigurado kung yun ang cinnamon na naamoy ko.

- I love ma'am Jing Pantoja-Hidalgo. Ang saya ng kuwentuhan namin. Yun lang ang masasabi ko.

- Enshrined sa Filipino lit ang Mirador Hill; tinulaan ito ng yumaong dakila na si Mike Bigornia.

Ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:Para sa mga detalye ng Workshop, magtungo lang sa www.upwritersworkshop09.tk :)

48th UP National Writers Workshop Days 6 & 7




Abril 17-18, 2009: Days 6 & 7 ng UPNWW 2009 sa Baguio.

Ang naging daloy ng mga araw:

Day 6
- poetics presentation ni Jing Panganiban-Mendoza
- poetics presentation ni Norman Wilwayco
- workshop sa mga gawa ni Jing Panganiban-Mendoza
- workshop sa mga gawa ni Norman Wilwayco
- early dinner naming Staffers sa Carlo's Pizza, Camp John Hay Mile-Hi Center
- wine-and-finger-food-pakain ni Delfin Tolentino sa mga Panelists at Staffers, Mirador Hill (hiwalay na album)

Day 7
- poetics presentation ni Carljoe Javier
- workshop sa mga gawa ni Carljoe Javier
- workshop sa mga gawa ni Criselda Yabes
- workshop evaluation
- Graduation Night (hiwalay na album)

May anim na retrato dito mula kay Mikael Co at ilan mula sa aking cellphone.

Ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:Para sa mga detalye ng Workshop, magtungo lang sa www.upwritersworkshop09.tk :)

Thursday, April 16, 2009

48th UP National Writers Workshop Day 5




Abril 16, 2009: Pictorial at Day 5 ng UPNWW 2009.

Pagkatapos ng group photos, heto ang naging daloy ng araw:

- intro ng 2nd batch of panelists
- poetics presentation ni Alvin Yapan
- poetics presentation ni Criselda Yabes
- poetics presentation ni Carlomar Daoana
- workshop sa mga gawa ni Alvin Yapan
- workshop sa mga gawa ni Carlomar Daoana
- dinner with UP Diliman Chancellor Sergio Cao

Ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:Para sa mga detalye ng Workshop, magtungo lang sa www.upwritersworkshop09.tk :)

Wednesday, April 15, 2009

48th UP National Writers Workshop Fellows' Night




Abril 15, 2009: Gabi ng mga batikang manunulat at makatang nakapasok bilang Fellow ng UPNWW 2009.

Para sa buod ng mga naganap, basahin ang blog post ni Vic Nierva sa aming UPNWW blog hub.

Pagkatapos ng Fellows' Night, dinala ni sir Rio Alma kaming apat na staffer at ilang panelists ng UPNWW 2009 sa Forest House Bistro & Cafe, isang magandang resto pababa ng Camp John Hay (malapit sa Nevada Square).

Sulit ang Php 150 consumable cover charge dahil binigyan kami ng isang libo-libo-ang-halagang konsiyerto ng "On Call," isang grupo ng mga mang-aawit at pianista. Napakagaling nila. Hinarana nila kami ng mga kantang OPM, kundiman, at dayuhan (meron mula sa The Platters na isa sa mga paborito kong oldie groups).

Ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:

Pasok sa Dumaguete at IYAS National Writers Workshops

Nakatanggap ako ng mga liham at tawag sa dalawang magkasunod na araw noong Holy Week. Nakapasok ako sa Dumaguete (Silliman University) para sa English Creative Nonfiction at sa IYAS (University of St. La Salle, Bacolod) para sa Filipino Poetry.

Lumalabas na ngayong summer, tatlong linggo ako sa isla ng Negros na ngayon ko palang mapupuntahan.

Mula sa 48th Dumaguete National Writers Workshop:

Dear  Mr. Kimpo,

Congratulations! We would like to inform you that you have been selected for a fellowship to the 2009 National Writers Workshop to be held in Dumaguete City from May 4 - 15,  2009.

You are expected to be in Dumaguete City no later than the morning of Monday, May 4, 2009 for the opening session at 9:00 a.m. at the Multipurpose Hall, Silliman University.

The fellowship covers free board and lodging for the duration of the Workshop, and one-way fare reimbursement.

You will be met and taken to your place of lodging.

Regular Workshop sessions are held from Mondays to Fridays at 9:00-12:00 a.m. and 2:30-600 p.m. Fellows are expected to attend the sessions for the full two weeks of the Workshop.

We look forward to seeing you at Silliman.

Sincerely,

Andrea G. Soluta
Workshop Coordinator
Mula sa 9th IYAS Creative Writing Workshop:

Congratulations!  You have been selected as one of the fifteen fellows for 2009 IYAS Creative Writing Workshop to be held on April 26 - May 2 at Balay Kalinungan, University of St. La Salle, Bacolod City.

The selection committee has awarded fellowships for emerging writers in English, Filipino, Bisaya and Hiligaynon in the genres of poetry, playwriting and short fiction among applicants nationwide.

As a fellow, you will be given a partial transportation subsidy of P 3,000 for those from Manila, P 1,500 from Cebu and P 500 for Iloilo.  Your board and lodging is free; however, we will not provide for your inland transportation.  Upon arrival, please proceed to Balay Kalinungan where you will be staying for the duration of the workshop.

We will have a welcome dinner for the fellows and panelists on April 26, 2009, 6:30 PM at Dr. Coscolluela's residence.  There will be a van at Balay Kalinungan to bring you to the dinner venue.  Departure will be at 6:00 PM.

Workshop proper will start at exactly 8:00 AM.  It will consist of plenary sessions in the morning and small group interactions with the panelist/s in the afternoon.  You will be assigned to a group with a lead panelist according to the language and genre of your works submitted.

Thank you.

Regards,

Dr. Gloria Fuentes
Project Coordinator
Heto ang kakalabas lang na press release mula sa Dumaguete:

National Artist for Literature and National Writers Workshop Director Emeritus Edith Lopez Tiempo, the National Commission for Culture and the Arts, and Silliman University are pleased to announce that the following young writers have been accepted as fellows for the 48th National Writers Workshop scheduled on 4-15 May 2009:

For Poetry
Mariane Amor Romina T. Abuan (University of Santo Tomas)
• Jonathan S. Gonzales (Ateneo de Manila University)
• Arkaye V. Keirulf (Ateneo de Manila University)
• Patricia Angela F. Magno (Ateneo de Manila University)
• Niño S. Manaog (Ateneo de Manila University)

For Fiction
• Keith Bryan T. Cortez (University of Santo Tomas)
• Ana Margarita Stuart del Rosario (De La Salle University)
• Monique S. Francisco (University of the Philippines - Diliman)
• Russell Stanley Geronimo (De La Salale University)
• Aleck E. Maramag (De La Salle University)
• Gabriel Millado (University of the Philippines – Mindanao)
• Gabrielle L. Nakpil (Ateneo de Manila University)
• Joy c. Rodriguez (University of the Philippines – Mindanao)

For Creative Non-Fiction
Philip Y. Kimpo, Jr. (University of the Philippines - Diliman)
• Marck Ronald Rimorin (University of the Philippines - Baguio)

This year’s panel of critics is composed of Dumaguete-based writers Ernesto Superal Yee, Myrna Peña Reyes, and Cesar Ruiz Aquino, as well as guest panelists Gemino Abad, Juaniyo Arcellana, J. Neil Garcia, Susan Lara, Rosario Lucero, DM Reyes, and Alfred Yuson.

The workshop, which is the longest running Writers Workshop in Asia, is coordinated by the Silliman University Department of English and Literature.

Dalawa ang naka-bold face na pangalan diyan dahil nakapasok din si Ynna! Syet ang saya-saya lang! Minsan ka lang makahanap ng scenario na mas maganda pa dito :D At wala nang mahihingi pa si Ynna -- pagkatapos ng successful niyang first art exhibit, nakapasok naman siya sa isa sa pinakabigating workshop sa bansa. Thank you talaga Lord.

Makakasama ko din sa IYAS ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan, si Deborah Nieto. Congraaaats Debbbiiiieee! That makes it three Dapitdilim & LIRA writers in Negros this summer. Represent! Hehehe.

Ayun. Gud lak sa 'kin. Hectic kung hectic. Isang linggo lang ang pahinga ko pagkagaling dito sa Baguio para sa 48th UP National Writers Workshop. Di na rin ako makakabisita sa 10th UST National Writers Workshop (magbibigay daw kasi ng kaunting 'testimonial' ang mga Fellows ng 9th Workshop). Pagdating ko rin ng Maynila sa Mayo 16, marami nang aasikasuhin para naman sa LIRA -- magbubukas na kasi ang annual poetry clinic namin sa 1st weekend ng Hunyo.

At doon na pala ako magdidiwang ng aking bertdey sa Dumaguete. Hay :P

Tuesday, April 14, 2009

48th UP National Writers Workshop Days 3 & 4




Abril 14-15, 2009: Days 3 & 4 ng UPNWW 2009 sa Baguio.

Ang naging daloy ng mga araw:

Day 3
- poetics presentation ni Kael Co
- poetics presentation ni Dean Alfar
- workshop sa mga gawa ni Ichi Batacan
- workshop sa mga gawa ni Vlad Gonzales (na di ko nakuhanan ng retrato dahil may kinailangan akong asikasuhin sa UPNWW '09 blog -- susubukan kong magdagdag ng pics dito mula sa cam ng UP ICW)

Pagkatapos, lumibot akong mag-isa sa Camp John Hay at SM Baguio.

Day 4
- poetics presentation ni Gelo Suarez
- workshop sa mga gawa ni Gelo Suarez
- workshop sa mga gawa ni Dean Alfar
- workshop sa mga gawa ni Kael Co
- Fellows' Night (na inihiwalay ko ng album dahil mamaya pang gabi magaganap 'yun)

Ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:Para sa mga detalye ng Workshop, magtungo lang sa www.upwritersworkshop09.tk :)

Monday, April 13, 2009

48th UP National Writers Workshop Day 2




Abril 13, 2009: Day 2 ng UPNWW 2009 sa Baguio.

Ang naging daloy ng araw:

- intro ng Panelists & Fellows
- poetics presentation ni Ayer Arguelles
- poetics presentation ni Ichi Batacan
- poetics presentation ni Vlad Gonzales
- workshop sa mga gawa ni Ayer Arguelles
- inuman (meet & greet) w/ the Baguio Writers Group at Vocas, Session Road

Ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:Para sa mga detalye ng Workshop, magtungo lang sa www.upwritersworkshop09.tk :)

Sunday, April 12, 2009

48th UP National Writers Workshop Day 1




Abril 12, 2009: Pag-alis ng mga fellows, panelists, at staffers ng UPNWW 2009 tungong Baguio.

Ang naging daloy ng araw:

- 5:00-6:00 AM: Meet-up at UP Diliman
- 12:00 NN: Arrival at AIM Igorot Lodge, Camp John Hay, Baguio City
- Lunch / post-birthday celebration ni National Artist Ben Cabrera sa Bencab Museum, Asin Road, Tuba, Benguet
- 7:00 PM: Welcome Dinner / Orientation of Fellows

Ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:Para sa mga detalye ng Workshop, magtungo lang sa www.upwritersworkshop09.tk :)

Friday, April 10, 2009

Pupunta Ako sa UP National Writers Workshop...

...pero hindi bilang Fellow :P

Isa ako sa mga Staffer ng UPNWW 2009. Kasama ko sa Secretariat sina Butch Guerrero (head), Vic Nierva, at Eva Garcia-Cadiz. Si sir Rio Alma (Virgilio S. Almario) ang Workshop Director sa taong ito.

Heto ang opisyal naming press release (hindi updated ang unang lumabas sa Panitikan.com.ph):

Fellows of the 48th UP National Writers Workshop Announced

The University of the Philippines Institute of Creative Writing (UP ICW) announces the fellows to the 48th UP National Writers Workshop to be held from April 12 to 19 in Camp John Hay, Baguio City. The fellows and associates of the UP ICW selected twelve writers in mid-career to participate in the annual workshop. This year’s workshop director is National Artist for Literature Virgilio S. Almario.

This year’s fellows for English are Angelo Suarez and Carlomar Daoana for Poetry, Felisa H. Batacan and Francis Dean Alfar for fiction, and Criselda Yabes and Carljoe Javier for creative nonfiction.

Fellows for Filipino are Mikael Co and Ayer Arguelles for tula, Jing Panganiban and Vlad Gonzales for sanaysay, and Norman Wilwayco and Alvin Yapan for kuwento.

The workshop panelists are all advisers, fellows, and associates of the ICW. Aside from National Artist Almario, the panelists are National Artist for Literature Bienvenido Lumbera, ICW director Jose Dalisay, Jr., Gemino Abad, Cristina Pantoja Hidalgo, Neil Garcia, Charlson Ong, Conchitina Cruz, Jun Cruz Reyes, Victor Carmelo Nadera, Rolando Tolentino, Mario Miclat, and Romulo Baquiran, Jr.

Unlike most national writing workshops, the UP National Writers Workshop is only for advanced writers. The UP ICW is the only institution that holds a workshop of this kind in the country. The current workshop format was borne out of the need to address the dearth of venues for writers in mid-career to exchange ideas on their craft and their current literary projects.

Prior to the new format, the UP ICW has held the annual UP National Writers Workshop for the country’s most promising beginning writers since the 1960s. Through the years other writing centers of other universities have instituted their own workshops for beginning writers, thus freeing the UP ICW to address other concerns.

To qualify for the workshop, writers must satisfy the following requirements. (1) must be writers in English or Filipino; (2) must have attended at least one creative writing workshop (national/regional, including the UP National Writers’ Workshops), or earned a degree in Creative Writing/Malikhaing Pagsulat, or won at least one national/international literary award; (3) must have published at least three poems or two short stories or two pieces of creative nonfiction (e.g., essays, memoirs, profiles) in reputable collections or anthologies, journals, magazines (including campus publications), or refereed Internet web magazines, or have had a play staged.

The UP ICW is setting up a blog hub to keep the public abreast of the developments in the workshop. The hub will bring together blogs of the panelists, fellows, and staff. It will also contain more information on the workshop participants. The blog hub, which will soon be accessible, is accessible at http://upwritersworkshop09.tk.

Alas singko ng umaga bukas, Linggo, ang alis namin mula UP Diliman papuntang Baguio. Sa 19 ang uwi namin. Ikatlong balik ko 'to sa City of Pines sa loob ng walong buwan.

Bantayan niyo lang ang official blog hub ng UPNWW '09 (na pinaghirapan namin ni ser Vic). May wi-fi sa Igorot Lodge kaya magiging daily ang updates sa blog. Sisikapin ko ring maglagay dito sa aking Multiply ng ilang pics at balita.

Thursday, April 9, 2009

From Mountain Retreat to Bolinao Beach

Heto ang ilang piks ng aming La Union-Pangasinan trip nitong Abril 3-6, na para na ring birthday celeb ni Ynna (Abril 2).

Nakaayos ang mga retrato sa kalalagyan nilang mga album (kapag na-upload na haha).

I. Puso ng Carmelo Mountain Retreat (Damortis, Sto. Tomas/Rosario, La Union)

Ako sa bungad ng Puso ng Carmelo.

Jere, Debbie, at Ynna, pinagmamasdan ang tanawin sa baba.

La Union's coast & the South China Sea.

Somber hues.

Ynna, Jere, at Debbie, pababa ng treehouse.

Cell site?

Ent's elbow?

II. George's & Guitar Hero (George's Restaurant, Dagupan & Abuan Residence, Mangaldan, Pangasinan)

Jere the Ripper.

Lightbulb sa George's.

Ako, naglalaro ng Guitar Hero; Carla, nabababawan sa kasiyahan ko.

III. Pangasinan From Tip to Tip (Mangaldan - Dagupan - Binmaley - Lingayen - Labrador - Sual - Alaminos - Bani - Bolinao)

Kami ni Ynna sa trike, palabas ng Anolid, Mangaldan.

Ynna at kanyang ama. (Death anniv ng kanyang Papa noong Abril 1.)

Mga tagak at tao.

IV. Bolinao Beach Sunset (Garden Paradise Resort, Bolinao)

Jere, Debbie, Carla, ako.

Ang paglubog ng araw.

Toma, baraha, tawa.

V. Walking on Water & Beach-Jacuzzi (Garden Paradise Resort, Bolinao)

Si Ynna.

Ako at mga mangingisda.

Ang pag-ahon ng sirena.

Sina Debbie, Jere, at Ynna sa "beach jacuzzi," isang mas malalim at mainit na bahagi sa mababaw na tubig ng Bolinao.

Paruparo, ano ang kinahinatnan mo?

Bago umalis ng Garden Paradise Resort.

VI. Dagupan Dinner & Depravity (George's Restaurant, Dagupan & Abuan Residence, Mangaldan)

Inaantay ang pagkain sa George's, paborito naming resto sa Dagupan.

LRT Team Manila shirt ko. Astig, pero di kami makapapayag na walang 'Belmonte' kasunod ng 'Betty Go'!

Picture of the vacation.

VII. Manaoag Prayers & Mexican Pedritos (Manaoag, Dagupan, Mangaldan)

Ynna, nagsisindi ng kandila sa Our Lady of Manaoag Shrine.

Oh noes! "A Quarrel Happens in the Worlds!!" (Ukay-ukay sa Manaoag).

Ako sa siguradong babalik-balikan na resto.