Wednesday, April 22, 2009

Aklan '09 5: Ati-Atihan Boozefest w/ a National Artist




Jan. 18, 2009: Ati-Atihan culminating Sunday, Kimpo food fest, and drinking spree w/ National Artist Rio Alma after Saturday's drunken street dancing.

Sa umaga, di muna naki-join sa parada kaming mga Dapitdilim-LIRA writers; inantay muna namin ang piyesta sa bahay namin. Nang sumugod na ang ibang mga bisita sa hapag-kainan, sinundo ko na ang aming "guests of honor," ang National Artist for Literature Rio Alma at kanyang asawa, si ma'am Lin. Baka maubusan kasi kami hehe.

Pagdating ng hapon, di kami kagad nakalabas dahil umulan. Nang nakapunta sa plaza, di rin kami nagtagal dahil may sinat si Carling. Habang nagpapahinga si ate, Rey, at Rom -- at habang nawawala si Debbie na nagpapa-henna pala -- lumakwatsa kami ni Ynna at nakihalubilo sa mga nagpaparada.

Bago bumalik sa bahay, dumaan muna kami ni Ynna sa katedral, na siya namang dinadagsa noon ng mga tao para sa ritwal ng "paeapak."

Kinagabihan, nakipagwasakan kami ng atay kasama si sir Rio habang inaasar ng panaka-nakang brownout ang Kalibo. Nagliwaliw muna kami sa plaza bago namin puntahan si ser sa kanilang hotel sa Bread & Butter. (Oo, yan talaga ang pangalan. Sikat na bakery chain kasi ang B&B sa Kalibo, and they translated their wealth into a small and cozy hotel.) Nagbrownout nang mga 20 minuto noong nasa kalye na kami, pero walang paki ang mga tao, enjoy pa rin sa parada at street party.

Lagpas hatinggabi na kami natapos makipagtomahan kay ser (flight nila pauwi ng Maynila kinabukasan samantalang papunta kaming mga bata sa Boracay). Habang naglalakad pauwi sa aming ancestral home, nasita pa ng ilang kalalakihang Kalibonhon ang mga gerls dahil ang iingay magtawanan sa gitna ng kalye.

Pagdating sa bahay, uminom pa kami uli ng kaunti kasama sina manang Khiara at Kim. Buti at nakagising kami nang medyo maaga-aga kinaumagahan para sa aming Boracay trip...at nasa susunod na album na 'yun.

Halo-halo na pala dito ang mga pics namin ni Ynna.

Album list of our vacation:
Trip background:

Isang pulutong kaming bumiyahe: kaming mga Dapitdilim-LIRA writer-poets (Ynna, Debbie, Carla, Rey, Rom) at si sir Rio (National Artist for Literature Virgilio S. Almario) kasama ang kanyang asawa, si ma'am Lin.

Unang beses ng mga kasama kong 'bagets' na makapunta sa Aklan. Tinarget nila ang Boracay pero mas nahalina sa Ati-Atihan, kung saan ang buong bayan ay naglalasing, sumasayaw, tumatalon, at humihiyaw. (Basahin ang essay kong lumabas sa Feb.-March issue ng Balikbayan travel & lifestyle magazine para sa aming karanasan.)

89 comments:

  1. ay, namiss ko itong gawin kay ynna hahahaha

    ReplyDelete
  2. pinaka-panalo ang expression ni ynna e. pang-Famas! :P

    ReplyDelete
  3. hahaha! ngayon, ibinubuhos naman niya sa akin :))

    ReplyDelete
  4. hehe last year pa yan ate lorie, hindi na ngayon :P pinapagalitan ko nga e!

    ReplyDelete
  5. seryosong bata taLaga.. hahaha.. "pahiram ng ceLphone mo"... hahaha

    ReplyDelete
  6. oo nga e, "pahiram ng PSP mo" naman nung andun si carla. pero ngayon di na nya kelangan, marami na silang gadgets ni liyah! :P kainggit nga e hehe.

    ReplyDelete
  7. hahahaha! oo nga nakakamiss ka tuloy lalo, ate!

    ReplyDelete
  8. sa anggulong to ang payat ko ngunit! para akong may hydrosephalus!

    ReplyDelete
  9. HOY! phillip! sabi ko wala ng yosi pictures e!

    ReplyDelete
  10. gusto kong makitang ganyanin ka ni ate lorie pagkasalubong mo sa kanya sa airport :D

    ReplyDelete
  11. huh?! exag ka! at sa anggulong yan, mukhang malaki ang hinaharap mo :P

    ReplyDelete
  12. one year ago lang naman e hehe. yung mga yosi pics mo ngayon, tinatago ko na. joke po! wala nang yosi pics si ynna ngayon dahil di na siya nagyoyosi ;)

    ReplyDelete
  13. ngayon ko lang napansin: malakas ba ulan nun? medyo maraming tubig sa kanal sa gilid e.

    ReplyDelete
  14. waaa! ambastos mo! ATE LORIE o...

    ReplyDelete
  15. hahahaha! yun din tawag ko pag nakapampari si kuya allan e.

    ReplyDelete
  16. hindi ang naaalala ko ambon lang e.

    ReplyDelete
  17. what? just stating the obvious!! (pero takot....hahaha) :P

    ReplyDelete
  18. ate lorie, pagbakasyon nyo dito sa pinas, dalhin ka namin ni ynna sa ati-atihan hehe :)

    ReplyDelete
  19. fotah mukang mag kapatid :) sino ba mas matanda? kambal ata.. hahahaha

    ReplyDelete
  20. your caption is my comment. hahahaha!

    ReplyDelete
  21. puyat si sto.nino, haller, ati-atihan kaya! hahahaha!

    ReplyDelete
  22. hahhahaahahahaha! fierce! too fierce! hahahahaha!

    ReplyDelete
  23. in fairness natawa ako sa comment mo! hahaha!

    ReplyDelete
  24. pwede na pang horror flick, o kaya parang kalibo chainsaw massacre, kaso koreana yung killer.

    ReplyDelete
  25. oo ba phillip tapos sa boracay din ha kasi sa aming tatlong babae ako na lang ang hindi nakakapunta doon. baka pag nakita ko ang whitesand bigla akong lumundag sa beach kasi wala akong hilig magswimming hehehe.

    ReplyDelete
  26. walang problema ate lorie. basta isakto ninyo ang bakasyon sa 3rd weekend of january hehe :D naku, baka pag nakita niyo ang tubig sa boracay, makahiligan na ninyong lumangoy. next 6 albums na ang boracay 2009 trip namin.

    ReplyDelete
  27. pahaba ka uli ng hair na ganyan... PLEASE!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  28. bakit parang malaki pa at hindi pa singkit ang mata mo noon?

    ReplyDelete
  29. tignan mo face ni carla hahahaha!

    ReplyDelete
  30. wahahaha magcocomment sana ako ng maganda sabay ako pala yung kumuha! wahahaha!

    ReplyDelete
  31. pero... baka maganda lang siya for me. hahahaha!

    ReplyDelete
  32. right! hahahaha! parang bagong lagay ng nail polish!

    ReplyDelete
  33. hahaha ang short shorts ni sir rio. i love it!

    ReplyDelete
  34. baka nangmomock lang. being his usual self! ahahahaha!

    ReplyDelete
  35. oh wait parang lasing na nga. kita naman sa pic na to! wahahahah!

    ReplyDelete
  36. oh my god ito yung ang ingay namin sa kalsada!

    ReplyDelete
  37. ay hindi ba ako nag pole dance niyan!? nyahahahaha!

    ReplyDelete
  38. hahahaha ako ba pinaparinggan mo mr kimpo?!

    ReplyDelete
  39. e ano naman tawag ni tita? kostyum pa rin? haha! :P

    ReplyDelete
  40. pa-Precious Moments doll effect lang mga mata ko nun, pero i assure you, singkit na ako dati pa wahaha.

    ReplyDelete
  41. tenks, pero ganyan lang ang nakukuha pag di alam mag-manual ng cam. pangit ng ilaw ko.

    ReplyDelete
  42. tssssssss! pero maganda rin naman talaga. (well, oo na lang ako. haha jok!)

    ReplyDelete
  43. korek. at parang ang taray nya lang considering wholesome family pics ang nasa likod nya :P

    ReplyDelete
  44. true ka dyan. 10 mins later, beer na ang hawak. haha!

    ReplyDelete
  45. hahaha can't get over it! mainit ba nun at kelangan sexy shorts si ser??

    ReplyDelete
  46. tama. sabi na nga ba pwede akong bumalik sa buhay showbiz e. watdapak.

    ReplyDelete
  47. actually mas maingay yung naglalakad kayo sa kalsada. lipas na yung moment nito e hehe.

    ReplyDelete
  48. ginawa mo ata pero di ko nakuhanan in time. di ko na matandaan. lasing na rin ako nun e!

    ReplyDelete
  49. si debbie rin parang nakaplasta na ang ngiti sa kalasingan hehe

    ReplyDelete
  50. sasabihin ko nga sa na yun. ako nga ata. hahahaha!

    ReplyDelete
  51. wahahahaha! self centered ako ano ba!

    ReplyDelete