Abril 19, 2009: huling araw ng UPNWW 2009.
Mais 'to, pero magkahalong mga emosyon ang naramdaman ko pag-alis ng Baguio. Malungkot dahil tapos na ang libreng bakasyon (top-notch accommodations, top-notch food, top-notch people, top-notch ang literary discussions, lahat na itapnats mo). Masaya dahil makakabalik na 'ko sa mga mahal ko sa Maynila. Naginhawaan dahil natapos ko na rin ang trabaho, pinalakpakan para dito, at naka-survive pagkatapos ng pinakamatagal kong panahon na bumiyaheng walang kamag-anak at kabarkada. (Oo, homebody ako.)
Ang naging daloy ng araw:
9:00 AM - Brunch
10:00 AM - Namili kami ni Doc Mic (sir Mario Miclat) ng mga pasalubong at kung ano-ano pa sa Camp John Hay Mile-Hi Center
11:00 - Pag-alis ng bus namin sa CJH
5:00 - Pagdating sa UP Diliman
Sa uulitin. (Staffer man...o Fellow na. Hehe libre naman mangarap.)
Ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:Para sa mga detalye ng Workshop, magtungo lang sa www.upwritersworkshop09.tk :)
nakakamiss ang baguio no? hay...
ReplyDeletenakakamiss talaga, pero di masyado ngayong pagod na pagod ako sa tatlong linggo ng bacolod-dumaguete...hay...
ReplyDelete