Ilang linggo/araw atang pinagplanuhan at inasikaso nina Ynna, Debbie, Carla, Jere, at Melvin ang isang surprise birthday bash slash literary reading para sa akin.
Nitong Martes, May 19 sa Conspiracy Garden & Bar Cafe ginanap ang pagdiriwang. Delayed ang party dahil nasa Dumaguete-Siquijor ako noong May 10.
Bago sa taong 'to, di ko masyadong pinagdiriwang ang mga bertdey ko (alamin kung bakit sa bday essay ko noong 2008). Kaya medyo naiyak ako (ang baduy ko talaga) sa inihanda ng mga malalapit kong kaibigan, lalo na ng aking Ynna Sirena.
Sa halip na magkaron ng open-mic poetry reading (tulad nang nakasanayan sa LIRA nights sa Conspi), binasa ng mga kaibigan ko ang mga piling katha ko sa Ingles at Filipino, tula at prosa:
Ynna Abuan - Tala (tula); excerpt from Tree of Stars (essay)Special mention sina Mo at Keith na napasubo sa pagbasa ng Filipino. Sori po, si Ynna ang sisihin! Hahahaha. Seryusly, salamats.
Debbie Nieto - kakaibang pagbasa ng Nimbus (tula)
Carla Payongayong - Surreal (flash essay)
Melvin Medes - sipi mula sa Acrophobia (tula)
Jere Faustino - Tira-tira (flash fiction)
Beng Limpin - Sa Isang Munting Bunggalo (tula)
En Villasis - excerpt from Jupiter Falls (essay)
Mo Francisco - Ambahan ng Isang Grade Schooler (tula)
Keith Cortez - Saranggola (tula)
Ang saya lang. Nagsama-sama ang mga kapamilya't kaibigan ko...sa isang literary reading. Kamon!
Maraming salamat sa lahat ng dumalo, nagbasa, at nakisaya. Maraming salamat kina Debs, Carla, Jere, at Melvs sa paggugol ng oras para sa okasyong 'to. Mga kapatid ang turing ko sa inyo.
Higit sa lahat, salamat sa pinakamamahal kong si Ynna. Mula pa lang sa Dumaguete ay sinigurado na niyang magiging da best ang 24th birthday ko. Chub, eto ang pinakamasaya kong kaarawan, at dahil 'yun sa 'yo.
Eto na rin ang pinakamatagal kong birthday celebration: May 10 (beerdey ko!) hanggang May 19 ('yung surprise party). Di talaga tinantanan ni Ynna hehe. Naka-2 cake, 24 cupcake, at 2 probinsiyang napuntahan (Negros Oriental & Siquijor) ako para sa aking bertdey. Nasa 48th Dumaguete National Writers Workshop ako noong May 10, kaya doble pa ang saya.
Heto ang ilang retrato ng bday celeb ko sa Dumaguete:
At bago ko makalimutan...ang pinakaastig na dahilan kung bakit pinakaastig ang birthday ko ngayong 2009: I took one big step in reconciling myself with my long-lost mother. I told her over the phone that I love her, for the first time.
beLated happy bday phil...
ReplyDeletethanks tita! :)
ReplyDeleteHey, belated happy birthday! ^-^
ReplyDeleteI'm sooo happy and proud of you, brother! =) mwah! you deserve this bday celeb, antagal mong niresist ang bday, di tama yun! =P maghanda ka sa 25th bday mo! bwahahahahahahaha! =P
ReplyDeleteoo nga, chub. haba ng bday celeb mo a! hahaha! i'm so happy na finally na enjoy mo na uli ang birthday mo.
ReplyDeleteang saya na magkasama tayo... at hindi lang magkasama kundi magkasama sa dumaguete. surreal, no? hehehe.
awww... naalala ko nga nung asa pier tayo sa siquijor tapos kausap mo mommy mo tapos sabi mo hindi ka na galit sa kaniya at nag i love you ka pa. *tears* so proud of you. hindi ka na angry angsty kid. happy kid ka na. :)
i love you so much. you deserve all the love and happiness in the world, chub! :)
parang bea-john lloyd lang! *kilig kilig*
ReplyDeletebelateeeed happy birthday sa iyo Phillip hirayamanawari Kimpo! di ako nakapunta nanaman. :(
ReplyDelete"I took one big step in reconciling myself with my long-lost mother. I told her over the phone that I love her, for the first time." wow naman.
ReplyDeletelove you, phil... happy birthday!
"Chub, eto ang pinakamasaya kong kaarawan, at dahil 'yun sa 'yo."
ReplyDeleteynna, ynna, ynna!!! panalo ka talaga, girl... parang sarah-john loyd dialogue. kilig-to-the-max akiz.
wow nice to hear that you now have a good relationship with ur mom! so happy for you cuz!
ReplyDeletesayang, me ginawa pa naman akong tula para sa yo. ahuhu
ReplyDeleteui hacked yung multiply ni stan geronimo.
ReplyDeletethanks macy! :D
ReplyDeletewahahahaha ano naman kaya mangyayari sa 25th bday? :P salamat, salamat, maraming salamat ate carla!
ReplyDeletealam mo bang di pa rin ako makapaniwala na nagawa ko yun? tumanda talaga ako nang sobra sa dumaguete hehe.
ReplyDelete...pero marami pa rin ata akong angst sa mundo hahaha! :P i'll shed it slowly but surely.
hahaha natawa naman ako sa bea-john lloyd!
ReplyDeletetenks manang! it took me more than 2 decades to do it, but i did it :)
ReplyDeletemaraaaaaming salaaaamat issa! okey lang po, basta mag-LIRA ka na! hahahaha, presyur? :D
ReplyDeletemaraming maraming salamat jack!
ReplyDeletesi carla, bea-john lloyd. si jack, sarah-john lloyd. hahahahaha! =))
ReplyDeletewow, talaga? pabasa!! :P
ReplyDeletehala? ano ba lumabas? pagkacheck ko ngayon-ngayon lang, okey naman...
ReplyDeletemahalay yung tula to the highest level. buwahaha
ReplyDeleteall the more that i want to read it. wahahaha!
ReplyDeletetalaga? sige, will post. later.
ReplyDeleteNgayon ko lang nakita...Happy belated burdey, brotha.
ReplyDeletemaraming salamats kapatid! salamat din sa mga Kool Fever kards wahaha!
ReplyDelete