Thursday, May 21, 2009

Ang Pinakaastig Kong Birthday Celebration

Di ko inasahan 'to.

Ilang linggo/araw atang pinagplanuhan at inasikaso nina Ynna, Debbie, Carla, Jere, at Melvin ang isang surprise birthday bash slash literary reading para sa akin.

Nitong Martes, May 19 sa Conspiracy Garden & Bar Cafe ginanap ang pagdiriwang. Delayed ang party dahil nasa Dumaguete-Siquijor ako noong May 10.

Bago sa taong 'to, di ko masyadong pinagdiriwang ang mga bertdey ko (alamin kung bakit sa bday essay ko noong 2008). Kaya medyo naiyak ako (ang baduy ko talaga) sa inihanda ng mga malalapit kong kaibigan, lalo na ng aking Ynna Sirena.

Sa halip na magkaron ng open-mic poetry reading (tulad nang nakasanayan sa LIRA nights sa Conspi), binasa ng mga kaibigan ko ang mga piling katha ko sa Ingles at Filipino, tula at prosa:
Ynna Abuan - Tala (tula); excerpt from Tree of Stars (essay)
Debbie Nieto - kakaibang pagbasa ng Nimbus (tula)
Carla Payongayong - Surreal (flash essay)
Melvin Medes - sipi mula sa Acrophobia (tula)
Jere Faustino - Tira-tira (flash fiction)
Beng Limpin - Sa Isang Munting Bunggalo (tula)
En Villasis - excerpt from Jupiter Falls (essay)
Mo Francisco - Ambahan ng Isang Grade Schooler (tula)
Keith Cortez - Saranggola (tula)
Special mention sina Mo at Keith na napasubo sa pagbasa ng Filipino. Sori po, si Ynna ang sisihin! Hahahaha. Seryusly, salamats.

Ang saya lang. Nagsama-sama ang mga kapamilya't kaibigan ko...sa isang literary reading. Kamon!

Ynna, sinisimulan ang lit reading.

Ang aking kapatid-sa-diwa na si Debbie, binibigyan ako ng mga tongue-in-cheek award (i.e. Decolgen (Quarter)Lifetime Achievement Award, Jonathan Livingston Seagull(ible) Prize, at Best Supporting Actor in a Buhawi Role).

Ynna, binibigyan ako ng mga 'card' (i.e. "Mommy I Feel Hot!" card, "Muntik na Akong Magkaroon ng Sarili Kong Program" card, "Tinanggihan Ko ang Showbiz" card, at "Fake Laugh" card).

Sunburned senti kid.

Ako at ang todo-suporta kong mga pinsan: Manong Ochep, Manang Kazel, Manang Diana, Manong Rio, Cheryl, Manong RJ, Manang Kay-Ann, Manang Khiara.

Ako at ang mga kalahi ko sa LIRA at Dapitdilim: Ynna, Carla, Jere (oo sinama ko na kayong dalawa dahil magli-LIRA na rin kayo), Debbie, Melvin, En, miss Beng. (Humabol si Mao.)

Ako at ang mga kadikit kong Team Jologs sa Dumaguete: Keith, Mo, Ynna.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo, nagbasa, at nakisaya. Maraming salamat kina Debs, Carla, Jere, at Melvs sa paggugol ng oras para sa okasyong 'to. Mga kapatid ang turing ko sa inyo.

Higit sa lahat, salamat sa pinakamamahal kong si Ynna. Mula pa lang sa Dumaguete ay sinigurado na niyang magiging da best ang 24th birthday ko. Chub, eto ang pinakamasaya kong kaarawan, at dahil 'yun sa 'yo.

Eto na rin ang pinakamatagal kong birthday celebration: May 10 (beerdey ko!) hanggang May 19 ('yung surprise party). Di talaga tinantanan ni Ynna hehe. Naka-2 cake, 24 cupcake, at 2 probinsiyang napuntahan (Negros Oriental & Siquijor) ako para sa aking bertdey. Nasa 48th Dumaguete National Writers Workshop ako noong May 10, kaya doble pa ang saya.

Heto ang ilang retrato ng bday celeb ko sa Dumaguete:

May 10, Mamia's @ Dumaguete City, bago pumuntang Siquijor: cookies & cream cake mula kay Ynna.

May 11, Kusina sa Hibbard @ Dumaguete City: giant cake mula uli kay Ynna. Salamats din kina Bea, Mo, at iba pang Fellows na tumulong kay Ynna sa kanyang secret preparations hehehe.

Birthday dinner namin ni Stan Geronimo (katabi ko ang aking ka-bertdey, ka-IYAS, at ka-Dumaguete).

At bago ko makalimutan...ang pinakaastig na dahilan kung bakit pinakaastig ang birthday ko ngayong 2009: I took one big step in reconciling myself with my long-lost mother. I told her over the phone that I love her, for the first time.

27 comments:

  1. Hey, belated happy birthday! ^-^

    ReplyDelete
  2. I'm sooo happy and proud of you, brother! =) mwah! you deserve this bday celeb, antagal mong niresist ang bday, di tama yun! =P maghanda ka sa 25th bday mo! bwahahahahahahaha! =P

    ReplyDelete
  3. oo nga, chub. haba ng bday celeb mo a! hahaha! i'm so happy na finally na enjoy mo na uli ang birthday mo.

    ang saya na magkasama tayo... at hindi lang magkasama kundi magkasama sa dumaguete. surreal, no? hehehe.

    awww... naalala ko nga nung asa pier tayo sa siquijor tapos kausap mo mommy mo tapos sabi mo hindi ka na galit sa kaniya at nag i love you ka pa. *tears* so proud of you. hindi ka na angry angsty kid. happy kid ka na. :)

    i love you so much. you deserve all the love and happiness in the world, chub! :)

    ReplyDelete
  4. parang bea-john lloyd lang! *kilig kilig*

    ReplyDelete
  5. belateeeed happy birthday sa iyo Phillip hirayamanawari Kimpo! di ako nakapunta nanaman. :(

    ReplyDelete
  6. "I took one big step in reconciling myself with my long-lost mother. I told her over the phone that I love her, for the first time." wow naman.
    love you, phil... happy birthday!

    ReplyDelete
  7. "Chub, eto ang pinakamasaya kong kaarawan, at dahil 'yun sa 'yo."
    ynna, ynna, ynna!!! panalo ka talaga, girl... parang sarah-john loyd dialogue. kilig-to-the-max akiz.

    ReplyDelete
  8. wow nice to hear that you now have a good relationship with ur mom! so happy for you cuz!

    ReplyDelete
  9. sayang, me ginawa pa naman akong tula para sa yo. ahuhu

    ReplyDelete
  10. ui hacked yung multiply ni stan geronimo.

    ReplyDelete
  11. wahahahaha ano naman kaya mangyayari sa 25th bday? :P salamat, salamat, maraming salamat ate carla!

    ReplyDelete
  12. alam mo bang di pa rin ako makapaniwala na nagawa ko yun? tumanda talaga ako nang sobra sa dumaguete hehe.

    ...pero marami pa rin ata akong angst sa mundo hahaha! :P i'll shed it slowly but surely.

    ReplyDelete
  13. hahaha natawa naman ako sa bea-john lloyd!

    ReplyDelete
  14. tenks manang! it took me more than 2 decades to do it, but i did it :)

    ReplyDelete
  15. maraaaaaming salaaaamat issa! okey lang po, basta mag-LIRA ka na! hahahaha, presyur? :D

    ReplyDelete
  16. si carla, bea-john lloyd. si jack, sarah-john lloyd. hahahahaha! =))

    ReplyDelete
  17. hala? ano ba lumabas? pagkacheck ko ngayon-ngayon lang, okey naman...

    ReplyDelete
  18. mahalay yung tula to the highest level. buwahaha

    ReplyDelete
  19. all the more that i want to read it. wahahaha!

    ReplyDelete
  20. Ngayon ko lang nakita...Happy belated burdey, brotha.

    ReplyDelete
  21. maraming salamats kapatid! salamat din sa mga Kool Fever kards wahaha!

    ReplyDelete