Tuesday, October 27, 2009

Boracay October '09: Kimpo-Antonio Civil Wedding

Nitong Oktubre 13-15, umuwi ako sa probinsiya namin sa Aklan. 2nd time kong umuwi ngayong 2009. Noong Enero, para sa Ati-Atihan. Ngayong Oktubre, para naman sa kasal ng pinsang buo kong si manong John Vi (Kervin John Kimpo) at manang Julie Antonio.

Wala akong ginastos sa buong bakasyon kundi taxi (sa Manila) at pasalubong (sa Kalibo). Sagot nina manong at manang ang airfare, pagkain, at accommodation. (Maraming, maraming salamat sa bagong kasal! At siyempre maraming salamat kay manong Kenneth, kapatid ni manong John Vi, na nag-asikaso sa tiket ko.)

Okt. 13 ako lumapag sa Kalibo. Ilang oras akong nagpahinga sa bahay namin sa poblacion bago tumulak ang pamilya patungong Caticlan. Pagabi na nang nakarating kami ng Boracay, just in time for the buffet dinner.

Okt. 14 ginanap ang kasalan. Pero bago 'yun, nagsawa muna kami sa beach. Bago lumubog ang araw, binagyo kami. Ang sunset wedding ay naging indoor wedding na lang, pero ayos lang. Masaya pa rin. Very intimate affair for family & Bora friends. Pagkatapos, lasingan sa nakasanayang Summer Place.

Okt. 15 ang balik namin sa Kalibo. Deretso airport na. Pero dahil delayed ang Zest Air (anim na oras, punyeta!), nakauwi pa ako sa bahay at nakapamili ng pasalubong sa palengke. Buryong na buryong kaming magpipinsan.

In the usual Phillip Kimpo Jr style, sample pics muna ang nasa ibaba. Saka na ang full albums hehe.

The Wedding

Caticlan Mayor Cawaling presiding over the civil wedding.

The wedding at Casa Pilar. Humupa na ang ulan nito.

The couple's first dance :)

Manong John Vi & manang Julie at their sand castle.

Ang bagong kasal, di alintana ang mga tumatalong ekstra.

Manong Ochep, manong JR, manang Khiara, Kim, ako.

Post-wedding celebration. Wasakan ng atay sa Summer Place.

The Beach

Ako at si Seymour Kimpo.

Ako, manong Kenneth, Kyanna, Kim, kasama si Seymour.

Family beach pic with our Havaianas salbabida.

Seymour gwapings.

Back Home in Kalibo

Our ancestral house, newly painted, in the middle of the town.

My niece Alliyah, manong Kenneth, my nephew Miggy, and the kids' mom, manang Moppet.

Ako, suot ang shades ni manong Ken (na binigay din niya sa akin wahaha). Walang magawa habang nag-aantay sa delayed flight.

9 comments: