Wala akong ginastos sa buong bakasyon kundi taxi (sa Manila) at pasalubong (sa Kalibo). Sagot nina manong at manang ang airfare, pagkain, at accommodation. (Maraming, maraming salamat sa bagong kasal! At siyempre maraming salamat kay manong Kenneth, kapatid ni manong John Vi, na nag-asikaso sa tiket ko.)
Okt. 13 ako lumapag sa Kalibo. Ilang oras akong nagpahinga sa bahay namin sa poblacion bago tumulak ang pamilya patungong Caticlan. Pagabi na nang nakarating kami ng Boracay, just in time for the buffet dinner.
Okt. 14 ginanap ang kasalan. Pero bago 'yun, nagsawa muna kami sa beach. Bago lumubog ang araw, binagyo kami. Ang sunset wedding ay naging indoor wedding na lang, pero ayos lang. Masaya pa rin. Very intimate affair for family & Bora friends. Pagkatapos, lasingan sa nakasanayang Summer Place.
Okt. 15 ang balik namin sa Kalibo. Deretso airport na. Pero dahil delayed ang Zest Air (anim na oras, punyeta!), nakauwi pa ako sa bahay at nakapamili ng pasalubong sa palengke. Buryong na buryong kaming magpipinsan.
In the usual Phillip Kimpo Jr style, sample pics muna ang nasa ibaba. Saka na ang full albums hehe.
The Wedding
The Beach
Back Home in Kalibo
sayang hindi ako nakasama...sad!
ReplyDeletelove the pic's , ganda ng kuha sa bahay ah
ReplyDeleteala si ynna?
ReplyDeleteanong breed ni seymour?
ReplyDeleteonga manang :( bawi na lang sa ati-atihan next year!
ReplyDeletethanks manong rj! taray ng bagong pinta 'no.
ReplyDeletewala e, may trabaho. mahirap umabsent, sayang ang sweldo...
ReplyDeletelabrador ata :)
ReplyDeleteshit su si symour
ReplyDelete