Sunday, January 11, 2009

If PDEA Has Its 'Incorruptible' Major, How About DOJ's Honest Prosecutor?

Hulog ng langit ang interview kanina ng GMA-7 (Rawna Crisostomo) sa dad ko. Nakita tuloy ng buong bansa, kahit saglit lang, kung gaano kalinis ang serbisyo ng ama ko bilang prosecutor mula pa 1991. (Basahin ang nauna kong blog post.)

Sa mga ayaw maniwala:

Nabubulok at second-hand naming 1996 Lancer.

Daddy & Ms. Rawna sa tapat ng apartment unit naming inuupahan (at tanging tahanan kong nakilala sa 23 taon ko sa balat ng lupa).

Siksikang interview sa loob ng apartment.

Kasama ang kung ano-anong nakasabit sa dingding.

Daddy, iniinterbyu.

Kinunan din ng cameraman ang iba pang bahagi ng bahay, pero di na 'yun lumabas sa TV. Nakakahiya nga kasi kailangan ko pa siyang sabihan ng "Sarhan niyo na lang ang ilong niyo." Medyo mabaho kasi sa may kusina. Dumumi yata 'yung isa naming pusa sa kung saang di-nalilinis na sulok. Lagi namang ganun sa 'min, kaya madalang akong mag-imbita ng kaibigan sa loob.

Kung di pa sapat 'yan, basahin ang nauna kong liham sa isang kolumnista sa The Philippine Star (na ewan ko lang kung bakit di inilalabas sa Letters to the Editor ng ilang pahayagan): http://thecorsarius.multiply.com/journal/item/42/My_Letter_to_The_Philippine_Star

Pasensya na kung parang desperado ang tono ng panananalita ko. Halos lahat kasi ng nakikita kong blog post at balita ay anti-prosecutors.

Ginagawa ring bayani si Marcelino ng PDEA. (Di ba hindi pa raw sumisipot sa imbestigasyon ng NBI? At nasaan ang ebidensya ng panunuhol sa DOJ? Hindi ba si Gen. Santiago na mismo ang nagsabing "psy-war" lang ang nangyari?)

Pero sa huli, wala akong pakialam sa kanya, kay Gen. Santiago, kay Atty. Lazaro, sa PDEA. Ang pakialam ko, ang ama ko.

At kung nabasa mo sa mga retrato, ayun nga -- pinagli-leave of absence daw sina Daddy ni Pangulong Arroyo.

Ewan kung anong klaseng mundo 'to.

Ang tanong ko nga kay Dad (kasama si Ms. Rawna), "Paid leave ba 'yun?" Kasi kung hindi, saan namin kukunin ang pang-araw-araw na gastusin? Sagot ni Dad, "E di ikaw na lang magpapakain sa akin." Napatawa na lang si Ms. Rawna.

Kaibigan, kung puwedeng humingi ng pabor: Paki-pasa, paki-kalat ang post na ito. Kopyahin niyo ang pics, walang kaso, bagkus ay ipagpapasalamat ko pa. Please share.

Maraming, maraming salamat sa mga dati nang nagpakita/buhos/paramdam ng suporta sa akin at kay Dad. Maraming salamat na rin sa mga susunod pang may mabubuting loob. Salamat.

14 comments:

  1. Kaya nyo yan, Kimpo. Andito lang kami. :) Minsan, pag mas maayos na, labas tayo!

    ReplyDelete
  2. GO KIMPS!!!! Malaki ang paniniwala ko sayo Ü

    ReplyDelete
  3. :) wow prayers do come true. See my blog post about you @ http://breadcrumbstrail.blogspot.com

    I'm happy for you. Let's keep praying. :)

    ReplyDelete
  4. Pasensya na kung parang desperado ang tono ng panananalita ko. Halos lahat kasi ng nakikita kong blog post at balita ay anti-prosecutors.---they are all empty and meaningless.

    kung ayaw nilang maniwala hayaan mo sila. kaya nga minsan gumugulo ang mundo e, kasi ang mga ignoranteng gaya nila na puro nalang salita ang mas pinaniniwalaan ng mas ignorante pa sa kanila.

    basta ang mahalaga alam mo at alam din ng mga mahal mo sa buhay ang totoo, sapat na iyon, sa ngayon. ipagpasa Diyos nalang natin. kailangan lang manalig.

    Mahal kita.

    ReplyDelete
  5. Sana ay ma-promote ang daddy mo bilang hepe ng DOJ. Nagkaroon ako ng tiwala sa kanya pagkabasa ko ng blog mo.

    Nabanggit ko na rin ito sa fellow bloggers ko tatlong araw nang nakararaan at simula noon ay hindi na nasasabit ang pangalan ng daddy mo sa corrupt na prosecutors.

    ReplyDelete
  6. Salamat GMA-7 (kahit di ako Kapuso, wahahaha!)...Buti naman at may nakaisip namang sumilip sa side ng mga prosecutors. Minsan kasi ang iniintindi lang nila ay yung mga maiinit sa balita, nevermind the others. I am happy for you, Phillip, finally, nagkakaron na ng "light" sa napakadilim na period ng buhay mong ito. Andito lang ako for you! Love you, brother! =)

    ReplyDelete
  7. kaya 'yan kimpot.

    guwapo ng tatay mo. wahahha. :)

    ReplyDelete
  8. Kayang kaya niyo yan kuya!!!..naniniwala ako na ang tatay mo ay matapat sa kanyang serbisyo bilang piskal..*ang cute na tatay mo*hehehe..kinakalat ko din sa mga kakilala ko na hindi lahat nang nasa gobyerno ay masama, may mga ilaw pa rin na pedeng sundan sa dilim

    ReplyDelete
  9. alam mo phil... nung mabasa ko ang letter mo, pinaalala mo sa akin ang aking ama. we're not in good terms. nung inabandona nya kami, at nang muli kaming magkita rumesbak ako. sa iyo, saludo ako sa pagmamahal mo sa iyong daddy...
    phil, sa laban mong ito andito lang ako kasama ang ka-dapitdilim. hinding-hindi ka mag-iisa.

    ReplyDelete
  10. alam mo phil... nung mabasa ko ang letter mo, pinaalala mo sa akin ang aking ama. we're not in good terms. nung inabandona nya kami, at nang muli kaming magkita rumesbak ako. sa iyo, saludo ako sa pagmamahal mo sa iyong daddy...
    phil, sa laban mong ito andito lang ako kasama ang ka-dapitdilim. hinding-hindi ka mag-iisa.

    ReplyDelete
  11. hamu, mapapahiya silang lahat (^.~)

    ReplyDelete
  12. Phillip, i post ko to ha? ikalat natin

    ReplyDelete
  13. Sa lahat: Maraming, maraming salamat sa inyong mga dasal at suporta. Para sa mga huling balita tungkol sa isyung ito, basahin lang po ang 2nd half ng aking huling blog post sa: http://thecorsarius.multiply.com/journal/item/45/Bagong_Pangulo_ng_LIRA_At_Isang_Bagong_Simula :)

    ReplyDelete