Saturday, April 18, 2009

48th UP National Writers Workshop Graduation Night




Abril 18, 2009: pagtatapos ng mga Fellows ng UPNWW 2009.

Isang buod: may pista, may Magic Sing, may group pics, may mga speech c/o Rio Alma & Iwa Wilwayco, at siyempre, may toma.

Nalaman ko rin na kapwa tubong-Galas pala ang napakatinik na makatang si Carlomar Daoana, at balak niyang sumulat ng mga sanaysay tungkol sa aming lugar. Di pa naaabot ng Galas ang tanyag ng Tondo at Sampaloc pero medyo kilala naman sa QC at Maynila bilang tigasing komunidad.

Nakahanap ako ng kakampi kay Carlomar; tinatalakay ko rin kasi ang Galas sa ilang sanaysay ng tinatapos kong aklat na Corsair of Cor-Street. ('Cor-Street' being Cordillera St., one of Galas' main arteries.) Nagkasundo kami ni Carlomar na ipapalaganap ang mito ng Galas hehehe.

(Sino pa mga manunulat na taga-Galas? Naghahanap kami. Maglabas tayo ng isang aklat!)

Kulang ang mga retrato ng Fellows diyan sa baba. Hindi ko kasi nakunan si Jing Panganiban-Mendoza na tumatanggap ng kanyang certificate. Nagkaproblema ang camera -- sa flash ata -- nung turn niya na. Badtrip talaga, bakit pa kasi ako nag-auto mode. Pasensya na po ma'am Jing!

Ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:Para sa mga detalye ng Workshop, magtungo lang sa www.upwritersworkshop09.tk :)

2 comments: