Isa sa pinakamagandang karanasan sa buhay ko ang nagdaang linggo -- at hindi lang dahil libre ang sosyal na accomodations (libo-libo ata ang ginastos ng UP at NCCA para sa kama ko) at pagkain (limang beses kami kumain bawat araw).
(At oo, ilang araw nang delayed ang blog post na 'to.)
Alam ng mga kaibigan kong di ako masyadong lumalabas; sabi nga ni Ynna, isang malaking independence check ang Baguio trip na 'to. Ito kasi ang unang pagkakataon na bumiyahe akong walang kasamang kamag-anak o kabarkada.
Wel, sakses. Nakailang beses din akong gumala sa Camp John Hay at bumaba sa lungsod nang mag-isa. Masarap ang pakiramdam.
Pero mas masarap kaysa paggala ang pagiging malapit namin sa kalikasan. For a change e hindi ako sa kabisera ng Baguio nanirahan, kung saan maingay at maraming tao. Kung magiging mais ako, sasabihin kong "one with Gaia" ka do'n sa AIM Igorot Lodge.
O siya, tama na ang dada. Eto ang ilang pics mula sa 10 photo albums ng UPNWW 2009. (Nasa baba ang links sa bawat album; do'n niyo na lang tingnan ang sangkatutak na retrato ng workshop in action.)
The Place
The People
The Food & Booze
The Diversions
Heto pala ang kumpletong albums ng UPNWW 2009:
wowwwwwwwwwwwwww!!! sarap!!!
ReplyDeleteang galing galing! naakainggit talaga! sir rio, pwede bang salingkit ako next year?!
ReplyDeletekakamiss! :(
ReplyDeletewahahahah! pwede naman kasi dumalaw! :P
ReplyDeleteSayang...you missed ur/our bliss...
ReplyDeleteyup, sayang nga e. kulang kasi sa oras. di bale may next time naman :)
ReplyDelete