Sunday, October 12, 2008

LIRA Poetry Clinic: Bobby Añonuevo, Paolo Manalo




Agosto 31, 2008: Dalawang astig na makata -- sina Roberto Añonuevo at Paolo Manalo -- ang nagbigay ng kani-kanilang panayam para sa LIRA Poetry Clinic 2008.

Ang mga paksa: Poetics (ser Paolo) sa umaga at Revision (ser Bobby) sa hapon.

Medyo pagod ang mga tao sa umaga dahil sa hangover ng UMPIL National Convention na ginanap noong naunang araw (lalo na sa nangyaring inuman!).

Sinigurado ko palang makapunta sa panayam ni ser Paolo dahil naging prof ko siya sa CW 198 (Online Writing) noong huling taon ko sa UP Diliman. At siyempre, nagpapirma na rin ako ng aklat niyang Jolography.

Sa hapon, ako ang nagpakilala kay ser Bob (dahil na rin ako ang nag-iisang LIRA member noong hapon na 'yun hehe). Pagkatapos ng panayam, nagpulong ulit ang mga Fellow para pumili ng kanilang batch/folio name. Ang resulta: "Krokis." Sa kabutihang palad (sensya na opinyon lang haha), pinalitan nila 'to sa mga susunod na linggo.

No comments:

Post a Comment