
Marahil ang ilan sa inyo ay narinig sa mga balita ang nangyaring sunog sa Philippine Science High School. Noong nasagap ko ang balita, di ko inakalang naging MALAKI ang pinsala.

Pagkakita ko sa
album ni Lara Cion, halos maiyak ako. Halos abo na ang Faculty Center. Buti nga ay naagapan kaagad at di na kumalat sa iba pang palapag, kundi ay nadale na ang buong Humanities Building (ang pangunahing gusali ng PSHS).

Bago ko pa nakilala ang Faculty Center ng UP Diliman, naunang naging malapit sa akin ang FC ng Pisay. Dahil di ako dormer, isa ito sa mga lugar na lagi kong natatambayan, kasama na ang front lobby, library, at cafeteria.
Hay. Mga alaala ng Pisay at ng Batch '02.
(Lahat ng retrato ay galing kay
Lara.)
uy di ko pa nababalitaan to ah.. kelan yan? :(
ReplyDeletehmmm....last monday ata :( di ko rin sure e.
ReplyDelete