Wednesday, October 29, 2008

Subic Bay 3: Poetry Between Mountain & Sea




Okt. 25, 2008: Pagkatapos libutin ang Subic Bay Freeport Zone at maglakad sa beach, dumeretso na kami sa Subic town para sa STS Poetry Seminar-Workshop, isang proyekto ng LIRA at National Commission for Culture and the Arts.

Enjoy na enjoy ang mga delegates sa aming lecturer na si Vim Nadera. Kaming apat naman nina Beverly Siy, Ynna Abuan, at Deborah Nieto ang nagsilbing workshop facilitators.

Maganda rin ang venue (Subic Central School) at mababait ang mga tagaroon. Niyayaya pa nga kaming bumalik ng kanilang superintendent.

Kinagabihan, pagkatapos ng STS, inilibre kami sa isang shabu-shabu dinner at nagliwaliw sa Subic Bay waterfront...at nasa sumunod na album na 'yun.

(Kasama na rito ang mga kuha galing sa cam ni Ynna. Di ko na sinama lahat ng pics ng certificate awarding dahil marami ang blurred.)

Ang listahan ng mga albums ng aming paglalakbay:
Background ng buong adventure:

Ang tunay na sadya namin sa Zambales ay ang Sining ng Tugma at Sukat (Art of Rhyme and Meter) program ng LIRA at National Commission for Culture and the Arts sa Subic town. Pero bago ang trabaho, nagpakasaya muna kami sa scuba diving at paglibot sa Subic Bay Freeport Zone.

Kami nina miss Bebang (pangulo ng LIRA), Ynna at Debbie (LIRA Fellows) ang nagtaguyod ng STS Subic. (Ako ang nagsilbing coordinator.) Naka-bonding namin si sir Vim Nadera na nagsilbing lecturer. Si sir George Ang Dy Pay ng Boardwalk Dive Center ang aming more-than-gracious host. (Sobrang tenk yu, sir Joji & miss Bebang!)

Mas marami pa dapat ang pupunta, kaso nag-back out sa huling sandali. Sayang dahil todo libre kami sa diving, transpo, hotel, pagkain, atbp...pero okey na rin. Kung marami kaming nag-dive, nahati pa ang atensiyon ng instructors at baka di kami nag-enjoy nang lubos hehe.

Ito rin pala ang unang beses kong gamitin ang bagong camera sa labas ng Maynila.

6 comments: