Friday, October 17, 2008

Sining ng Tugma at Sukat sa Quezon

Round 2: Ako ang nagsisilbing Coordinator para sa gaganaping Sining ng Tugma at Sukat (STS) seminar-workshop ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at LIRA sa Lunes, Oktubre 19 sa Pambayang Kolehiyo ng Mauban, Mauban, Quezon. (I-klik lang ang image sa taas para sa full version ng programme.)

Ito ang ikalawang beses kong humawak ng STS; ang una ay noong nakaraang buwan sa Dagupan. Muli, si sir Michael Coroza ang magiging tagapanayam namin. Di tulad ng dati, hindi ko na kailangang magbigay ng Pambungad at Pangwakas na Salita sa STS Mauban pagkat kasama na namin si Bb. Bebang Siy, ang pangulo ng LIRA.

Mula sa LIRAonline.org:

Inihahandog ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Linangan ng Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), at Pambayang Kolehiyo ng Mauban (PKM) ang ikaapat na programa ng Sining ng Tugma at Sukat sa Oktubre 19, 2008 sa Mauban, Quezon.

Ang Sining ng Tugma at Sukat (STS) ay isang proyekto ng NCCA at LIRA para sa mga guro ng Filipino sa mga matataas na paaralan sa Kalakhang Maynila at mga karatig na lalawigan.

Ang daloy ng programa:

8:00 – 9:00
Pagpapatala

9:00 – 9:30
Panalangin
Piling Mag-aaral ng IIC, PKM

Pambansang Awit
Piling Mag-aaral ng IIIC, PKM

Pambungad na Salita at Introduksiyon
Prop. Fe D. Nava, PKM
Beverly Siy, Pangulo ng LIRA

9:30 – 12:00
Panayam: Sining ng Tugma at Sukat
Assoc. Prof. Michael M. Coroza, LIRA

12:00 – 01:00
Tanghalian

01:00 – 02:30
Panayam: Sining ng Tugma at Sukat (pagpapatuloy)
Assoc. Prof. Michael M. Coroza, LIRA

02:30 – 04:15
Pagsasanay sa pagsulat ng tulang may tugma at sukat;
Palihan ng mga tula
Mga Delegado at kasapi ng LIRA

04:15 – 04:30
Paggawad ng mga Sertipiko
Prop. Nelson Nava Pl. Turgo, Prop. Fe D. Nava, Bb. Melody G. Agudilla, at Beverly Siy

Pangwakas na Pagbati
Beverly Siy, LIRA

Sina Phillip Kimpo Jr. at Romeo Peña ang mga tagapag-ugnay ng programa.

Mamayang gabi o hatinggabi ang alis namin patungong Quezon (Lucena muna tapos Mauban). Balikan lang siguro kami -- pagkatapos ng STS ay uuwi rin kaagad. Walang excursion sa Baguio, Manaoag, o night beach swimming tulad noong huling STS hehe. Baka nasa Maynila na kami bago dumating ang Lunes.

No comments:

Post a Comment