Oktubre 15, 2008: Ribbon-cutting ceremony ng oil paintings exhibit ni Linda Panlilio (na may kasamang mga haiku ni Ed Maranan). Naroon kami sa imbitasyon ni sir Rio Alma, National Artist for Literature, na siya namang Guest of Honor noong gabing iyon.
Sa UP Diliman muna kami nagkita-kita, si ser Rio, Wendell Capili, Ynna, at ako. Maaga kaming nakarating sa Hotel Intercon sa Makati.
Ang pamilya pala ni Linda Panlilio ang nagtatag ng Sulo Hotel, kaya puro burgis at dayuhan ang naroon sa seremonyas. Dapat yata e nagdamit bellboy na lang ako para mag-blend in wahaha.
Halos di pa kami nakakakain buong araw ni Ynna nang dumating sa hotel, kaya buti naman at masasarap ang finger food na inihain pagkatapos ng ribbon-cutting.
Pauwi, nakibuntot ang UP Tamaraw FX na minamaneho ni Mang Bong sa isang presidential (?) convoy. Sino bang makakaalam na salimpusa lang kami, e naka-pulang plaka ang FX? Hehehe.
tagal ko nang hindi nakikita ang lolo, nakakamiss.
ReplyDeletehaha itext mo si ser rio!
ReplyDeleteUy, Phillip! Maraming salamat! Ngayon ko lang nakita ang blogpage na ito! have see your other entries, but not this one. Pwede bang makahingi ng ilang high-definition photos na andun ako? Maraming salamat!
ReplyDeletee:D
Ang email address ko nga pala:
ReplyDeleteedmar67@yahoo.com
Thanks,
e:D