Two weekends, two out-of-town trips, two literary events, two "working vacations." Plus one scuba diving. Nyek!
Dalawang linggo akong stressed sa pagiging Coordinator ng STS Mauban (sa Quezon) at STS Subic (sa Zambales). Pero sulit naman -- unang beses kong makapunta sa Quezon (kung di isasama ang Mt. Banahaw), pati na rin sa Subic Bay Freeport Zone. At unang beses ko ring makapag-scuba diving.
(Halatang di pa rin ako maka-'get over' na nakapag-diving ako, 'no? Di ko kasi pinangarap gawin 'yon sa tanang buhay ko, dahil hindi ako marunong lumangoy at takot ako sa malalim na tubig.)
Saka na lang ang mga kumpletong photo albums ng Quezon at Subic excursions namin, dahil may mga nakapila pang ibang lit event para i-upload hehe. Ilang sampol:
SUBIC BAY, ZAMBALES
Oktubre 24-25, 2008
Ang Sining ng Tugma at Sukat (STS) Subic ay isang seminar-workshop ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at LIRA na ginanap noong Oktubre 25 sa Subic Central School, Subic Town, Zambales. (I-klik lang ang programme sa taas para sa full version nito.)
'Yun ang ikatlo at ikahuling beses kong humawak ng STS. Si sir Vim Nadera ang naging tagapanayam namin, at si Ynna Abuan naman ang emcee.
MAUBAN, QUEZON
Oktubre 19, 2008
waaah ang saya niyo sa STS. =(
ReplyDelete(kung saan saan na umaabot ang tarp. haha. phillip, november na pala yun STS sa la salle. inaayos ko pa. hehe.)
masaya ang STS pero sobrang stressful para sa coordinator hehehe :P at kung wala kina sir joji at miss bebang, walang kwenta siguro ang subic trip namin. grabe lang ang gastos nila.
ReplyDeletesubukan kong makatulong sa STS sa dlsu :)
wait. dive ba to as in talagang dive or "introductory dive"? either way, congrats! at inggit ako na nakapag-dive ka na sa zambales :p
ReplyDeletehmmm, hindi nagamit sa amin ang term na yan, pero sa tingin ko parang ganun na nga. pang-beginner lang kasi -- una, pinaluhod lang kami sa seafloor na 4 meters ang lalim; tapos, 'yung paglibot namin sa mga corals etc. up to 10 meters deep (yata) ay inalalayan ng instructors :) libre lang din kasi hehe.
ReplyDeletejust bloghoppin'...
ReplyDeletePlease visit us at:
http://lifeas1.blogspot.com/
http://themeatgallery.blogspot.com/