Sunday, October 12, 2008

STS Dagupan: Teaching Poetry in a Flooded School




Part 5 ng excursion ng aming munting samahan, ang Dapitdilim Fellowship of Writers, sa mga bundok at dalampasigan ng Hilaga (Benguet at Pangasinan).

Setyembre 22, 2008: Tapos na ang bakasyon; trabaho na. Pagkatapos ng aming mga paglalakwatsa sa Baguio, Manaoag, at San Fabian beach, dumating na rin ang araw ng Sining ng Tugma at Sukat (Art of Rhyme and Meter) program.

Ang STS ay proyekto ng LIRA at National Commission for Culture and the Arts. Para sa Dagupan, kami ni Rey ang naging coordinator (siya bilang taga-Dagupan at ako bilang LIRA member).

Ang STS Dagupan ang una kong inorganize na literary event.

Si sir Mike Coroza ang naging lecturer namin; kasama niyang pumunta ng Dagupan ang kanyang kabiyak, si ma'am Jeanette. Sina AC, Debbie, Romeo, at Ynna naman ay kasama namin sa pag-workshop sa mga delegates. Hindi nakaabot si Melvin sa araw ng STS dahil may kailangang gawin sa Maynila.

Muntik pang hindi matuloy ang STS Dagupan dahil sa bagyo -- tingnan niyo na lang ang mga pics sa baba para sa evidence. Binaha ang aming venue (Dagupan City National High School), at muntik nang pumasok ang tubig sa library kung saan kami nag-STS. Suspendido rin ang klase; buti na lang at nanatili pa rin sa venue ang mga participants.

(Buti na lang at hindi inabutan ng bagyo ang aming mga lakad sa Baguio at Pangasinan. Salamat po Lord :D)

Ako rin ang nagbigay ng opening remarks at introduction. Si Rey naman ang emcee.

Lagpas 30 ang mga dumalong guro at mag-aaral. Astig talaga si sir Mike at ang ganda ng naging panayam at workshop (palihan) ng mga tulang ginawa on-the-spot ng mga participants.

Pagkatapos ng isang napakahaba at nakapapagod na araw at bago lumuwas ng Maynila, nagkaroon muna kami ng huling hapunan (naks ang drama) sa bahay nina Ynna sa Mangaldan. Si Tita Glory, nanay ni Ynna ang naghanda ng masarap na pagkain.

Sadlak sa karimlan (naks ulet) ang mga dinaanan naming bahay papunta sa bayan nina Ynna. Ayun, brownout pala. Kasama namin sina sir Mike Coroza at kanyang kabiyak na si ma'am Jeanette na sumakay ng jeep at trike. Kahit si Ynna ay medyo nalito kung saan bababa dahil nga madilim.

Buti na lang at pagkatapos ng aming hapunan (at sa kalagitnaan ng aming pagliligpit ng bagahe) ay nagkailaw na.

Nag-arkila si Kuya Apollo ni Ynna ng isang jeep para ihatid kami sa Dagupan bus station. Buti at naabutan pa namin ang last trip ng Five Star.

Kung di ako nakatulog sa biyahe papuntang Pangasinan at Baguio, sa biyahe pabalik naman ako bumawi. Sobrang pagod lang talaga at naubos na rin ang adrenalin.

Lagpas hatinggabi na kami nakarating ng Cubao...at doon na nagtatapos ang napakasayang (obvious naman sa piks!) paglalakbay sa Norte.

(At tapos na rin ang 5-part photo album series na 'to. Bow.)

Ang listahan ng mga albums ng aming 'bakasyon':

8 comments:

  1. now ko lang din to na-view...dami pala ako na-missed na activities nyo.

    ReplyDelete
  2. di ata namin pinresyuhan 'to nung nag-exhibit si ynna :) not for sale hehe!

    ReplyDelete
  3. oo, kaya nga lately nage-email na ako ng links sa egroup natin para madali ninyong makita :D

    ReplyDelete
  4. oo... mas okay yung ganun.hehehhhehe. minsan kasi sa dami ng updates sa multiply, minsan di mo na mapapansin ang iba. hay kaka-miss talaga o.

    ReplyDelete
  5. o sige sesendan kita ng links ng ilan pang lumang DD event na baka nalampasan mo :D

    ReplyDelete