Ang aming pagdayo sa Quezon noong Oktubre 19, 2008. Para ito sa Sining ng Tugma at Sukat (STS) Mauban, isang poetry seminar-workshop na hinawakan ko bilang Coordinator para sa LIRA at National Commission for Culture and the Arts.
Kung di isasama ang Mt. Banahaw (na pinuntahan namin sa isang field trip sa Pisay), ito ang unang beses kong makapunta ng Quezon. Ang Mauban ay isang bayan sa tabing-dagat.
Nagkita-kita muna kami nina Ynna at Romeo sa Sta. Mesa bago mag-taxi patungong Robinson's Metro East. Doon kami nakipagkita kina Rey, miss Bebang at anak nitong si EJ. Nag-almusal at kuwentuhan na lang muna kami habang inaantay ang inarkilang van na sakay sina sir Mike Coroza (speaker para sa STS Mauban) at pamilya.
Para makamenos sa tagal ng biyahe, di kami dumaan sa SLEX. Bagkus, tumagos kami sa "likod" -- sa Antipolo, Laguna, at mga bundok.
Tatlong oras mahigit ang biyahe. Naging mainit ang pagtanggap sa amin ng mga Maubanin sa Pambayang Kolehiyo ng Mauban. Hindi kalakihan ang paaralan -- may nakapagsabi pa ngang ang gusali nito ay dating kulungan -- pero kumpleto sila sa mga gamit. At talaga namang pinaghandaan nila ang programa namin -- nagkaroon pa ng mga pagtatanghal ang mga mag-aaral ng PKM para sa Panalangin at Pambansang Awit.
Magaganda rin ang koleksyon ng PKM Library (ang venue namin). Andaming literary books, foreign & Filipiniana. Karamihan ata sa mga 'yun ay bigay ni Prop. Nelson Turgo (UP Diliman), na isa sa mga tagapagtatag ng PKM. Yan ang astig.
Pagkatapos ng lecture ni sir Mike sa umaga, naghandog ang mga Maubanin ng isang espesyal na tanghalian para sa amin sa "Pagoda" restaurant sa tabi ng isang ilog at mga bakawan (mangroves). Ang mga inihain: sugpo, liempo, manok, at dahil nasa Quezon kami, buko.
Tulad nang dating gawi, nagkaroon ng ilang poetry exercises sa hapon. Bawat isa sa amin ni sir Mike Coroza (ang aming speaker), miss Bebang, Ynna, Rey, Romeo, at ako ay humawak ng isang grupo para i-workshop.
Lagpas alas-sais na nang umalis kami ng PKM. Inilibot muna kami (on van, hindi on foot) ni Prof. Nelson Turgo sa kanyang bayan (kasabay namin siyang umuwi ng Maynila).
Bago mag-SLEX, dumaan muna kami sa Tayabas upang bumili ng mga pasalubong (top priority: ang "budin" na ipinagmamalaki ng bayan).
Kakaibang kuwento: Masayang nagdadaldalan ang mga tao sa van habang tinatahak ang isang madilim na daan sa Quezon...nang bigla kaming harangin!
Hindi ng NPA, kundi ng mga militar. May checkpoint. Taena, biglang tahimik lang lahat ng tao! Well, maliban kay ma'am Jeanette, na bumati ng "Good evening, sir!" sa sundalo gamit ang isang medyo mapang-akit na boses. Mabait naman ang mga sundalo, pero kinailangan pa rin naming buksan ang van at magpaliwanag ni ser Nelson kung saan kami galing.
Dahil mukha kaming mababait na nilalang (at nakita naman siguro nilang andaming bata sa van), nakalagpas kami sa checkpoint. Whew.
Maraming salamat sa mga taga-PKM at Mauban para sa napakainit na pagtanggap...at masasarap na pagkain! Sana'y maulit pong muli, hehe.
HAHAHAHA NICE ONE PHILLIP.
ReplyDeletegraceful! =P
ReplyDeletepagod ako no!
ReplyDeletelongest road in da pilipins? hahaha :P
ReplyDeletepalusot! lahat po tayo'y pagod noon. ako wala pang tulog. hmp! :P
ReplyDeletewahahaha! phillip anak mo yan sa ibang babae, ayaw mo lang umamin!
ReplyDeleteat dahil malaki na sya, ibig sabihin college pa lang ay nakabuntis na ako! :O
ReplyDelete