Tuesday, October 28, 2008

Subic Bay 1: Scuba Diving! (Underwater Poets Society)


Debs: [bubbles bubbles bubbles]

Ako: Kahit kabado, sige pose lang.

Ynna: Di magawa ang "OK" sign, dahil di talaga siya okey.

Mula sa cam ni Bebang.

Part 1 ng aming "working vacation" sa Subic Bay, Zambales noong Okt. 24-25, 2008.

Ang tunay na sadya: ang Sining ng Tugma at Sukat (Art of Rhyme and Meter) program ng LIRA at National Commission for Culture and the Arts sa Subic town. Pero bago ang trabaho, nagpakasaya muna kami sa scuba diving at paglibot sa Subic Bay Freeport Zone.

Kami nina miss Bebang (pangulo ng LIRA) at Ynna & Debbie (LIRA Fellows) ang nagtaguyod ng STS Subic. (Ako ang nagsilbing coordinator.) Naka-bonding namin si sir Vim Nadera na nagsilbing lecturer. Si George Ang Dy Pay (sir Joji) ng Boardwalk Dive Center ang aming more-than-gracious host. (Sobrang tenk yu, sir Joji & miss Bebang!)

Mas marami pa dapat ang pupunta, kaso nag-back out sa huling sandali. Sayang dahil todo libre kami sa diving, transpo, hotel, pagkain, atbp...pero okey na rin. Kung marami kaming nag-dive, nahati pa ang atensiyon ng instructors at baka di kami nag-enjoy nang lubos hehe.

Ito rin pala ang unang beses kong gamitin ang bagong camera sa labas ng Maynila.

Ito ang unang beses kong makapag-scuba diving. "Writers Underwater" o "Underwater Poets Society" ang pwedeng mga subtitle ng album na 'to, dahil nga mga LIRA poets ang sumisid.

Ang masaya: libre ang dive. Sponsored ni sir Joji, hehe. Kaya kung gusto niyong sumisid sa dagat, ke baguhan o beterano na kayo, sa Boardwalk Dive Center na kayo pumunta. (Oo, adbertisment, pero astig naman talaga ang dive shop nila at mababait ang instructors.)

Binigyan muna kami ng crash course ni ser Joji. Pero kahit anong pilit naming memoryahin ang mga sinabi sa amin, nakalimutan din namin noong nasa bapor na kami. Kabado e.

Malas ako noong araw na 'yon -- sinisipon ako at pinalala nito ang pressure sa ilalim ng tubig. May saglit pa ngang nag-panic ako at tinanggal ang regulator sa bibig.

Pero nang makatagal na ako sa tubig, ayos na rin. Napakaganda sa baba. Inilibot kami ng mga instructors sa bahaging tila munting canyon at puno ng corals. 20-40 minutes yata kami sa baba, at 10-20 meters ang inabot na lalim. (Di ko lang sigurado ha. Help, dive-mates!)

Dahil masyadong marami ang pwede kong maisulat tungkol sa aming diving, di ko na susubukang ilista lahat sa blog na 'to. Doon na lang sa pinaplano kong aklat ng mga sanaysay ng paglalakbay (ibang koleksiyon pa 'yun sa inaasikaso kong Corsair of Cor-Street).

Pag-ahon sa tubig, pakiramdam namin ay binigyan kami ng ikalawang buhay. (OA di ba.) Di tuloy nakapagtataka na pinamagatan ni ser Vim ang kanyang Nobyembre 3 kolum sa Manila Bulletin na "Second Life."

Fact: Hanggang ngayon, surreal pa rin para sa amin nina Ynna at Debs na nakapag-dive kami.

Nagkaroon kami ng kaunting salo-salo pagbalik sa dive shop. Nang makapag-recharge, lumibot kami sa Subic Bay, nag-checkin sa Subic International Hotel, at naglakad sa beach...at nasa sumunod na album na 'yun.

(Halo-halo na rito ang mga kuha namin nina Ynna at miss Bebang.)

Ang listahan ng mga albums ng aming paglalakbay:

89 comments:

  1. hang ganda talaga nito. sana nakakuha rin tayo pictures ng stars 'no.

    ReplyDelete
  2. oo nga e :D ambano ko pa lang talaga kasi sa bagong camera kaya di kaya makuhanan ang mga tala nang maayos....

    ReplyDelete
  3. keri lang un. lahat nagstastart nang bano.
    basta andito lang kame, phillip...................pag kelangan mo ng mga model.
    YUN YOWN!

    ReplyDelete
  4. tama, mga modelong kulot na may magagandang ngiti! isang de-dimpol (ikaw), isang widest-op-dem-ol (ynna).

    ReplyDelete
  5. ang cool! mukha kayong FANTASTIC 4!

    ReplyDelete
  6. ahahaha oo nga no! kaso kulang ng 1 lalake at sobra sa isang babae. hmmm....debbie o ynna? hahaha!

    ReplyDelete
  7. DISCLAIMER: malaki ung suit. hindi ganyan kalaki tyan ko.

    ReplyDelete
  8. gusto ko din mag scuba... hoy couz busy ka masyado ha... hehe

    ReplyDelete
  9. hang ganda nito! :) :) lavet. lavet.

    ReplyDelete
  10. wahahaha kasi tama bang gawin yon?!

    ReplyDelete
  11. wahaha oo nga no kasing edad na pala ni sir vim diving suit mo! wahaha peace sir vim!

    ReplyDelete
  12. palaboy pala ha???? hmmm... cge...

    ReplyDelete
  13. galit kasi daw anlaki ng suit niya! hahaha

    ReplyDelete
  14. ang hot lang ni debbie dito! tomb raider ang effect! =)

    ReplyDelete
  15. ginawa mo akong mascot?!?!?! epal!

    ReplyDelete
  16. wahahaha after ten years pong magscuba ni sir vim (dahil matutubuan na siya ng talaba) saka lang siya nagdecide na magdive na! hahaha

    ReplyDelete
  17. sir vim anong nangyari!? napunta ka lang sa tubig nag iba na anyo mo! wahahah! peace sir vim i love you! =)

    ReplyDelete
  18. wahaha dapat yan ang next activity natin na kimpo get-together. oo nga manong e, sa sobrang busy at stress nangayayat ako! buti na lang at may mga working vacation tulad nang sa subic hehe.

    ReplyDelete
  19. o kaya bored. yung tipong "ho-hum pang-ilang beses ko nang ginagawa 'to, kawawa naman 'tong mga kabado kong kasama"!

    ReplyDelete
  20. blame your smile and photo-posing efforts! :P

    ReplyDelete
  21. "debbie nieto rips her suit to shreds!!!"

    ReplyDelete
  22. naku sir vim namumuro na si ynna sa inyo o! :P

    ReplyDelete
  23. the caption is the saving grace of that shot. my saving grace. wahaha.

    ReplyDelete
  24. oy lahat tayo nag-warp ang mukha sa diving! :))

    ReplyDelete
  25. oo nga pala. ako nga kamukha daw ni elmo sabi ni miss bebang.

    ReplyDelete
  26. mukha lang akong psycho killer dito eh 'no.

    ReplyDelete
  27. yan ung favorite ko! ung anino ng ulap. lavet.

    ReplyDelete
  28. bakit parang payao ang aking bilbil?

    ReplyDelete
  29. shet parang walang nag iba sa likod at harap ko

    ReplyDelete
  30. sori na phillip akala ko ikaw e pacute o imagine! di lang pala ikaw ang pacute sa grupong to

    ReplyDelete
  31. buti nung araw na 'to maaraw....nitong 2nd dive namin, madilim at maambon e..

    ReplyDelete
  32. hahahahaahahaha!!! si ynna talaga!

    ReplyDelete
  33. peyborit syat ko 'to sa album na 'to :P

    ReplyDelete
  34. oo, sa 3rd dumaguete album ko naman ata hahaha. natandaan mo a! :P e alam mo naman ako, mahilig sa mga eroplano.

    ReplyDelete
  35. sinabi mo pa :) kaka-miss ang subic.

    ReplyDelete
  36. next time kaya makakasama ako jan? sana...di ko na-experience yang scuba-scuba na yan.

    ReplyDelete
  37. subukan natin. libre kami nito dahil sabay sa mga happenings ng LIRA, at sponsored ng naunang LIRA president sa akin, si miss Bebang :)

    ReplyDelete
  38. parang kelan lang nasasabi mo pa ang mga katagang nangangayayat hahahaha!

    ReplyDelete
  39. aba bastusan na talaga! hahaha.

    tas biglang lungkot: :(

    ReplyDelete
  40. oo, mas malaki. hahahaha. (dapat talaga after two years ang reply? :)) )

    ReplyDelete
  41. this must be the longest-delayed reply in this multiply account :P

    ReplyDelete