Tuesday, October 28, 2008

Subic Bay 2: Freeport Freewheelin, Beachwalk




Okt. 24-25, 2008: Pagkatapos ng scuba diving namin sa Subic Bay, lumibot naman kami sa Freeport Zone.

Ang naging itinerary:

- Lunch sa dive shop
- Hotel-hopping (naghahanap ng matutuluyan)
- JEST Camp (munting kagubatan kung saan dapat kami matutulog, army barracks-style)
- Subic Historical Center (museum field trip!)
- Bargain/PX goods shopping (Freeport Exchange at UnionSquare, kung saan nakatsamba ako sa limang 85-peso imported shirts)

Salamat pala sa mga caretaker/curator ng Subic museum. Pinayagan nila kaming kumuha ng mga retrato kahit bawal dapat. Para naman sa ngalan ng kasaysayan, kultura, at sining :)

Kinagabihan, pumunta na kami sa napiling matutulugan, ang Subic International Hotel. Libre ang stay namin. Si sir George Ang Dy Pay ng Boardwalk Dive Center at miss Bebang ang sumagot ng room...at malaking kuwarto 'yun. Apat na kama, at kung pipilitin ay kaya ang tig-dalawang tao bawat kama. (Tatlo lang ang nagamit namin. Luwag!)

Pagkatapos mag-check in, bumalik kami sa dive shop para kumain ng hapunan (libre ulit). Naglipatan din kami ng mga underwater pics sa laptop at flash drive. Pagbalik sa hotel, si Ynna ang unang nakatulog at ako ang huli.

Kinabukasan ang STS poetry seminar-workshop namin sa Subic town. Pero bago 'yun, nagliwaliw muna kami nang onti nina Ynna at Debbie sa Subic Bay beach. Pagkatapos, nagpakasarap sa libreng breakfast na sagot uli ng Boardwalk Dive Center.

Medyo naging mabilis ang almusal namin dahil leyt na kami para sa STS. Ilang minuto din ang nilakbay namin bago makarating sa Subic Central School...at nasa sumunod na album na 'yun.

(Kasama na rito ang mga kuha galing sa cam ni Ynna.)

Ang listahan ng mga albums ng aming paglalakbay:
Background ng buong adventure:

Ang tunay na sadya namin sa Zambales ay ang Sining ng Tugma at Sukat (Art of Rhyme and Meter) program ng LIRA at National Commission for Culture and the Arts sa Subic town. Pero bago ang trabaho, nagpakasaya muna kami sa scuba diving at paglibot sa Subic Bay Freeport Zone.

Kami nina miss Bebang (pangulo ng LIRA), Ynna at Debbie (LIRA Fellows) ang nagtaguyod ng STS Subic. (Ako ang nagsilbing coordinator.) Naka-bonding namin si sir Vim Nadera na nagsilbing lecturer. Si sir George Ang Dy Pay ng Boardwalk Dive Center ang aming more-than-gracious host. (Sobrang tenk yu, sir Joji & miss Bebang!)

Mas marami pa dapat ang pupunta, kaso nag-back out sa huling sandali. Sayang dahil todo libre kami sa diving, transpo, hotel, pagkain, atbp...pero okey na rin. Kung marami kaming nag-dive, nahati pa ang atensiyon ng instructors at baka di kami nag-enjoy nang lubos hehe.

Ito rin pala ang unang beses kong gamitin ang bagong camera sa labas ng Maynila.

25 comments:

  1. parang totoong gubat lang e no? =)

    ReplyDelete
  2. uy performance level c kimpO! hayup!
    so dahel dyan, naging colony ng korea ang japan 'no?
    ayos.

    ReplyDelete
  3. c ms. Bebang mukhang cartoon character!!!! animated.forever.

    ReplyDelete
  4. wahahaha para pala silang mag asawa dito! si sir vim yung nambubugbog! si ms bebang enjoy naman sa bugbog! karinyong brutal daw sabi ni phillip! heheheh

    ReplyDelete
  5. wahahaha para pala silang mag asawa dito! si sir vim yung nambubugbog! si ms bebang enjoy naman sa bugbog! karinyong brutal daw sabi ni phillip! hehehehe!

    ReplyDelete
  6. oo nga e! kala mo nag-jungle survival training talaga tayo. 'cept for our get-up :P

    ReplyDelete
  7. oo nga e. walang tatalo kay miss bebang!

    ReplyDelete
  8. bagay, dahil malaki ang katawan ni ser vim at parang nangayayat sa bugbog si miss bebang! :))

    ReplyDelete
  9. LOSER KA?! alam niyo bang tulog na ata ako neto kaya wala siyang mautusang magpicture sa kaniya kaya ginawan niya ng paraan na magkapicture siya ng solo. BWAHAHAHAHAHA!

    ReplyDelete
  10. WAHAHAHAHA!!! NAGTIMER ULI PARA LANG MAGKAPICTURE! BWAHAHAHA! shame... shame... shame...

    ReplyDelete
  11. hahahah! sinisira ni ms bebang yung kama kasi bitch yung receptionist!

    ReplyDelete
  12. para lang nag day-opp si inday! pakana kasi ni phillip!

    ReplyDelete
  13. aba tinetest lang ang timer ng kamera ko! wahahaha!

    ReplyDelete
  14. aba sayang din ang binayad ni sir joji sa hotel...mas mainam na may ebidensyang nagamit ang mahal na kama... :P

    ReplyDelete
  15. hala baka hindi na tayo pabalikin dun! hehehe.

    ReplyDelete
  16. so kung c ynna kj, ikaw pacute. as always. :))

    ReplyDelete
  17. hinde, di lang ako nakahabol sa pic kaya walang arte...ito naman o....:P

    ReplyDelete
  18. ahente ng isang subic hotel? nagbebenta ng yate?

    ReplyDelete