Thursday, October 30, 2008

Subic Bay 4: Night at the Waterfront




Okt. 25, 2008: Pagkatapos ng STS Poetry Seminar-Workshop, inilibre kami sa isang shabu-shabu dinner at lumibot sa Subic Bay waterfront.

Mula sa Subic Central School, dineretso kami ni ser Joji sa Hsin Coffee sa Mango Valley hotel. Libre ang hapunan. Kami nina ser Vim Nadera, Ynna, Debbie, at miss Bebang ang nagsalo-salo.

Pagkatapos, naglakwatsa muna kami sa waterfront. Nag-picture-taking at hotel hopping din sa The Lighthouse at Vista Marina.

Pag-uwi, hinatid muna namin si ser Vim sa Bataan (may event siya kinabukasan) bago tumuloy sa Maynila. Libre rin ang naging pag-uwi namin (c/o ser Joji's van).

(At tapos na rin ang 4-part photo album series na 'to. Bow. Kasama din pala dito ang mga kuha galing sa cam ni Ynna.)

Ang listahan ng mga albums ng aming paglalakbay:
Background ng buong adventure:

Ang tunay na sadya namin sa Zambales ay ang Sining ng Tugma at Sukat (Art of Rhyme and Meter) program ng LIRA at National Commission for Culture and the Arts sa Subic town. Pero bago ang trabaho, nagpakasaya muna kami sa scuba diving at paglibot sa Subic Bay Freeport Zone.

Kami nina miss Bebang (pangulo ng LIRA), Ynna at Debbie (LIRA Fellows) ang nagtaguyod ng STS Subic. (Ako ang nagsilbing coordinator.) Naka-bonding namin si sir Vim Nadera na nagsilbing lecturer. Si sir George Ang Dy Pay ng Boardwalk Dive Center ang aming more-than-gracious host. (Sobrang tenk yu, sir Joji & miss Bebang!)

Mas marami pa dapat ang pupunta, kaso nag-back out sa huling sandali. Sayang dahil todo libre kami sa diving, transpo, hotel, pagkain, atbp...pero okey na rin. Kung marami kaming nag-dive, nahati pa ang atensiyon ng instructors at baka di kami nag-enjoy nang lubos hehe.

Ito rin pala ang unang beses kong gamitin ang bagong camera sa labas ng Maynila.

20 comments:

  1. wahahaha nakakaexcite magluto. pero hindi masyado kasi gutom na gutom na ako niyan e. tagal maluto nung food hehehe

    ReplyDelete
  2. pinagtatawanan na kaya tayo nung mga waitess kasi anlakas ng mga tawa (well lalo na ako) hehehe

    ReplyDelete
  3. ms bebang talaga o! nakakamiss tuloy!

    ReplyDelete
  4. yuck ms bebang what's wrong with you?! wahahaha

    ReplyDelete
  5. galing talaga umarte nung childstar parang totoo lang! hahaha

    ReplyDelete
  6. nakakatakot kaya talaga tont hotel na to!

    ReplyDelete
  7. naaalala mong kinain ko yung isang beef strip na sandali lang nasalang sa kumukulong tubig? yak!!! nagkami ako ng bunot!

    ReplyDelete
  8. matalas ang fashion sense ni miss bebang!

    ReplyDelete
  9. at least yun yung tipong nakikisabay na tawa, kesa ginagago na tayo hehe!

    ReplyDelete
  10. pwede ring ibalik sa atin ang tanong na yan, tayong mga unimaginative mag-pose :))

    ReplyDelete
  11. debs sabihin mo lang pag idedelete ko na ang pic na 'to ha... :P

    ReplyDelete
  12. oy walang maghahalukay sa mga nakakahiyang nakaraan!

    ReplyDelete