Part 2 ng excursion ng aming munting samahan, ang Dapitdilim Fellowship of Writers, sa mga bundok at dalampasigan ng Hilaga (Benguet at Pangasinan).
Setyembre 20, 2008: Pagkatapos ng brunch namin sa Cafe by the Ruins, naglakad kami ng kaunti papunta sa Burnham Park. Kahit paglalakad sa Baguio ay isang kakaibang karanasan kung sanay ka sa Maynila -- maaliwalas, malinis, at hindi mo iisipin na baka may mag-snatch ng cellphone mo, mangholdap sa 'yo, o may makakasagasa sa 'yo.
Habang naghahanap ng mauupuan sa liwasan, nagutom ulit ang ilan sa amin pagkakita ng malalaking mais. (At nakakabusog na ang brunch namin sa Cafe by the Ruins sa lagay na 'yun ha.) Takte nakakahiya ang mga mais na inilalako dito sa Maynila.
Nakahanap rin kami ng magandang lugar para umupo, at doon ay pinag-usapan namin -- ano pa ba? -- ang aming samahan. Kaya sa hapon ng Setyembre 20, 2008, pormal naming itinatag ang Dapitdilim Fellowship of Writers. (In absentia si Jack na sumasahod ngayon sa Saudi Arabia.)
Wala kaming ilusyon na maging tanyag na organisasyon -- at hindi nga kami 'organisasyon.' Kami ay isang munting pagkakaibigan ng mga manunulat na nagkakilala sa Dapitan (9th UST National Writers' Workshop) at pinaglapit ng aming karanasan sa Diliman (LIRA Poetry Workshop).
Pagkatapos ng aming 'founding,' nagkaroon kami ng piktyuran. 'Yung tipong magagamit sa Friendster at literary bionotes hehe.
Nang mapagod, mas lalo pa naming pinagod ang mga sarili sa biking. Ang saya, doon lang ulit ako nakapag-bike nang matagal-tagal. Marunong pa pala ako hehe.
Pagkatapos ay namili kami sa mga tiangge sa tabi ng Burnham Park. Dahil di naman lahat ng pasalubong ay makikita sa tiangge, sumakay kami ng taxi papuntang Public Market.
Di na kami nakapag-piktyur masyado doon dahil masyadong maraming tao, mas marami pa sa Quiapo at Divisoria. Parang wala na ngang katapusan ang dagsa ng mga tao e. Basta ang mga napamili namin: strawberry jam, strawberry wine, t-shirts, murang bulaklak (kay Debbie), at bonsai na wala pang 50 pesos (sa akin).
Akala ko malulungkot ako sa biyahe paalis ng Baguio, dahil na rin wala pang kalahating araw ang itinagal ng aming 'bundok outing.' Nagkamali ako. Kasingsaya ako ng isang batang nasa field trip habang nakatunghay sa mga tanawin sa Marcos Highway -- para lang kaming nasa langit, nasa gitna ng mga ulap, nakikita ang malayong dalampasigan ng La Union sa ibaba.
Sa biyahe, may namuo na kaagad na linya para sa isang future travel essay ko: "After that descent from the country's rooftop, I cannot in good conscience enjoy the ridiculously mundane trips to the mall."
May isang tanawin nga lang kaming nadaanan na nakagigimbal. Banggaan. Ford Fiera-type ata 'yung isang sasakyan, 'yung ikawala nawawala (bus? baka tumakas?). May mga pulis sa eksena. May naka-stretcher sa likod ng kotse, kaya malamang buhay pa. Pero basag ang windshield sa passenger's side...at may nakaupong katawan, nakasandig ang ulo sa cardoor. Babae ata. Di na gumagalaw, at di rin ginagalaw ng mga pulis. Malamang, patay.
Kinabukasan nang umaga ay pumunta naman kami sa Simbahan ng Our Lady of Manaoag, at pagkagat ng gabi ay nagkaroon ng lit workshop sa San Fabian Beach...at nasa sumunod na album ang mga 'yun.
(Maraming kuha sa album na 'to ay galing sa camera ni Melvin.)
Ang listahan ng mga albums ng aming 'bakasyon':
- Part 1 -- Dapitdilim Writers: Baguio (Cafe by the Ruins)
- Part 2 -- Dapitdilim Writers: Baguio (Burnham Park, Biking)
- Part 3 -- Dapitdilim Writers: Manaoag Pilgrimage
- Part 4 -- Dapitdilim Writers: San Fabian Beach Workshop
- Part 5 -- STS Dagupan: Teaching Poetry in a Flooded School
Isinabay namin ang "lit trip" na 'to sa Sining ng Tugma at Sukat (Art of Rhyme and Meter) program ng LIRA at National Commission for Culture and the Arts sa Dagupan, kung saan malapit nakatira ang dalawa sa amin (Ynna & Rey).
Kami ni Rey ang coordinators para sa STS Dagupan, at kasama namin sina AC, Debbie, Romeo, at Ynna sa pag-workshop sa mga delegates. Hindi nakaabot si Melvin sa araw ng STS dahil may kailangang gawin sa Maynila.
Bago ang araw ng STS (Lunes) at pagiging LIRA, sangkatutak muna ang ginawa naming bonding bilang magkakaibigang manunulat sa Dapitdilim (mga pinagbuklod ng Dapitan/UST at Diliman/UP).
naks!
ReplyDeletelovers in paris, este, baguio. =)
ReplyDeletefeel na feel ni debs oh. haha. (V",)
ReplyDeletehaha natawa ako dun! hahaha
ReplyDeleteemily rose. huhu
ReplyDeletestar-studded!
ReplyDeletelolz!
ReplyDeletehaha onga no! Debi Dimpol ng Dapitdilim, bf ni Dingdong Dantes
ReplyDeletewow angnda
ReplyDeletehahaha
ReplyDeletehangkyut pout lips
ReplyDeleteparang poster lng ng United colors of beneton! aba pwede tyo mag group endorse ng mga damit! lolz
ReplyDeleteAC: "oh, helo? helo? w8 magbibike muna me.."
ReplyDeleteparang poster lng ng United colors of beneton! aba pwede tyo mag group endorse ng mga damit! lolz
ReplyDeletehahaha. huhu takot na takot ako sa kennon road huhu
ReplyDeletewow candid pic n nmn ni Phillip :p
ReplyDeleteanganda nga. huhu di ko to nakita
ReplyDeleteWOW
ReplyDeletewow anganda huhu kahit nagpapanic n ko sa tarik ng daan nyan huhu
ReplyDeletewow wow wow
ReplyDeleteNakakamis yong mga larawan. Ang saya. Panakaw Philip ah Hehehehe
ReplyDeleteParang sabog lang ah! hahaa
ReplyDeleteoo nga. at si ac parang natutulog lang!
ReplyDeleteas in, "the exorcism of..." ? wahaha!
ReplyDeletesayang wala ka pala sa pik! :( dapat talaga may tripod na tayo next time.
ReplyDeleteayos yan a -- DD ng DD ni DD :))
ReplyDeletetama ka jan. sayang nga at hindi nakasakay ng bangka ang DD...
ReplyDeletewalang ganyanan nahiya tuloy ako sa mukha ko hahahaha!
ReplyDeletehahahahaha!
ReplyDeleteonga no. pangit lang yung blangkong space sa gitna hehe :P
ReplyDeleteuy marcos hiway yun! kennon yung paakyat natin :P pero oo nga, mas nakakatakot dun sa side niyo...dun yung walang railing at may nagbanggaan e.
ReplyDeletehindi mauubusan nyan!
ReplyDeletena-high ata sa hamog ng baguio, sanay sa usok ng maynila hehe!
ReplyDeletesana makapag-STS ang LIRA dito... :(
ReplyDeletei know :D
ReplyDeletepwede mo na yang gawing friendster pic kahit di kita ang mukha mo hehe :P
ReplyDeleteeto ang paborito kong pic sa album. pwede na sigurong pang-Dapitdilim websayt photo haha
ReplyDeletesige lang rey, kuha lang nang kuha :P
ReplyDeleteay..parang masaya c ynna.
ReplyDeleteNAKAKAHIYA!!!! waaaah! bakit hindi ko naisip na mapupunta to lahat sa multiply!!!!
ReplyDeleteepal ka phillip!
ReplyDeleted yan erotic, talagang manyak ka lang phillip! =P
ReplyDeleteoo, at ako parang, "ang kulit nitong babaeng 'to a..."
ReplyDeletebakit wala namang masama sa caption ko a? hahaha!
ReplyDeletehuhuhuhu :((
ReplyDeleteang sweet niyo naman ni ynna! parang pampelikula! TGIS the movie! ahahahahaha! =P
ReplyDeletekelangan larawan talaga rey?! hahahaha
ReplyDeletemasarap siya promise hindi weird!
ReplyDeleteoo nga e, mukha ngang kinakahiya mo ako dito, pero wala ka nalang magawa! bwahahaha
ReplyDeletepinakamaganda yung mais ko yey!
ReplyDeletewahahaha! ambastos nung title. infiarness maputi yung flower ni debbie! =P
ReplyDeletewahaha the face nanaman si rey!
ReplyDeletewow ang payat ko dito!
ReplyDeletepanong hindi namin pagtatawanan?! tignan mo nga itsura niya! (bwahahaha-evil laugh)
ReplyDeleteretard.
ReplyDeletebastos ka kimpo!!!!!!!!!!!!!!!!! humanda ka uli!
ReplyDeletewow guy na guy kayo a! bwahahaha!
ReplyDeleteeww uli melvin!
ReplyDeletewahahaha gago ka talaga phillip!
ReplyDeletetse!
ReplyDeleteang ganda ng picture na to!
ReplyDeletebakit naman nakakahiya? okay lang ang r** face hehe! :P
ReplyDeleteTGIS pa talaga ang binanggit ano? hahaha!
ReplyDeleteaba parang hindi ka nag-LIRA a! isusumbong kita kay ser rio! :P
ReplyDeleteo kaya, "akala ba niya may nakakatawa? meron? san? 'nak ng...sige pipilitin kong ngumiti para di halatang killjoy ako."
ReplyDeleteoo nga e, namimiss ko na kagad :(
ReplyDeletepulidong pulido. nilinis, sinimot ang mahabang...mais. :))
ReplyDeletesiyempre ako ba naman ang gumawa ng caption. kaso mas bastos ang comment. paano ba naman, gawa ni ynna!
ReplyDeletehahahaha! :P
ReplyDeletewag kang magpalinlang -- ang retrato ay isang ilusyon!
ReplyDeletenaaalala ko tuloy ang evil-plan-laugh nina Phoebe at Joey sa Friends hehehe >:)
ReplyDeletewalang kapantay ang DAOT sa dugo mo, yer hayness :P
ReplyDeletehindi ako natatakot sa'yo abuan!!!
ReplyDeleteaba aba aba, nakakalalaki ka na a.....!
ReplyDeleteopkors! :D
ReplyDelete^ the required taray retort.
ReplyDeletegaling nga ng kuha ni melvin :)
ReplyDeletehumanda ka mamaya phillip!!!!!!!!!!!!
ReplyDeletePERV! =P
ReplyDeleteTALAGA!? cge mamaya tayo magkakasukatan!!!!!!!!!!!
ReplyDeletebut of course! :P
ReplyDeletehahah. tsabby. onga, tumaba ka na. :)
ReplyDeletegandaaaaa! grabe ang saya sa baguio! XD
ReplyDeletehuhuhu. panahon na para mag-gym :(
ReplyDeleteoo nga e, gusto ko na kagad bumalik! :)
ReplyDeletei love you, guys!!! mwahhhhhh!!!
ReplyDeletejaaack! kasama ka naman namin noon dito sa baguio in spirit! :D
ReplyDeleteview ko pics uli... (konting drama lang, xenxa...) kaka-miss.
ReplyDeletewalang masama sa kaunting drama bawat araw. pangalan pa lang ng grupo natin, "Dapitdilim," ma-drama na e :))
ReplyDeletehahaahaha!!! oo nga. syangapala, sino nakaisip nyan? am sure ikaw me pakana.
ReplyDeleteako nga hahaha. tuloy, di ko alam kung mahihiya ba dapat ako o magiging proud! :P
ReplyDeletehahahaaha!!! pero maganda ha in pernez. proud op corz.
ReplyDeletewahaha salamats. mukha tuloy 'emo' ang grupo natin.
ReplyDeleteemo kung emo. basta dapitdilim tayo. lakas-lakas nga natin eh. hahahahahahaha!!!
ReplyDeleteoo naman! alam kong hindi tayo mga superstar dito sa DD, pero lahat ay may malakas na kakayahan (o at least, potensiyal) sa kanya-kanyang genre. at ang pinakamaganda kasi sa DD, alam natin ang kuwento ng isa't isa -- kuwento ng buhay, hindi lang ang mga kuwento na isinusulat natin. mas gusto ko na yun kesa propesyonal lang na samahan :)
ReplyDeleteyes. agree ako jan. yung tipong bukas na aklat ang bawat isa. alam kong malayo pa ang pagsasamahan ng DD. basta ako, hindi bibitaw. dito ko kasi nakita yung samahan na kahit sa pinakaiksing panahon na pagsasama tila ang tagal na nating magkakakilala...
ReplyDeletetama ka jan. in related news, sana matapos ko na rin ang DD website hahaha! :P
ReplyDeleteay, gumawa ka? wow naman...
ReplyDeletebaka next month ko pa matapos, hectic e
ReplyDeletek lng yun. hay, super salamat sa u kim po..grave ang dedication ha
ReplyDeletewalang anuman, at salamat din. basta para sa mga kapamilya ko sa panitikan :)
ReplyDelete