Monday, October 6, 2008

Dapitdilim Writers: Baguio (Burnham Park, Biking)




Part 2 ng excursion ng aming munting samahan, ang Dapitdilim Fellowship of Writers, sa mga bundok at dalampasigan ng Hilaga (Benguet at Pangasinan).

Setyembre 20, 2008: Pagkatapos ng brunch namin sa Cafe by the Ruins, naglakad kami ng kaunti papunta sa Burnham Park. Kahit paglalakad sa Baguio ay isang kakaibang karanasan kung sanay ka sa Maynila -- maaliwalas, malinis, at hindi mo iisipin na baka may mag-snatch ng cellphone mo, mangholdap sa 'yo, o may makakasagasa sa 'yo.

Habang naghahanap ng mauupuan sa liwasan, nagutom ulit ang ilan sa amin pagkakita ng malalaking mais. (At nakakabusog na ang brunch namin sa Cafe by the Ruins sa lagay na 'yun ha.) Takte nakakahiya ang mga mais na inilalako dito sa Maynila.

Nakahanap rin kami ng magandang lugar para umupo, at doon ay pinag-usapan namin -- ano pa ba? -- ang aming samahan. Kaya sa hapon ng Setyembre 20, 2008, pormal naming itinatag ang Dapitdilim Fellowship of Writers. (In absentia si Jack na sumasahod ngayon sa Saudi Arabia.)

Wala kaming ilusyon na maging tanyag na organisasyon -- at hindi nga kami 'organisasyon.' Kami ay isang munting pagkakaibigan ng mga manunulat na nagkakilala sa Dapitan (9th UST National Writers' Workshop) at pinaglapit ng aming karanasan sa Diliman (LIRA Poetry Workshop).

Pagkatapos ng aming 'founding,' nagkaroon kami ng piktyuran. 'Yung tipong magagamit sa Friendster at literary bionotes hehe.

Nang mapagod, mas lalo pa naming pinagod ang mga sarili sa biking. Ang saya, doon lang ulit ako nakapag-bike nang matagal-tagal. Marunong pa pala ako hehe.

Pagkatapos ay namili kami sa mga tiangge sa tabi ng Burnham Park. Dahil di naman lahat ng pasalubong ay makikita sa tiangge, sumakay kami ng taxi papuntang Public Market.

Di na kami nakapag-piktyur masyado doon dahil masyadong maraming tao, mas marami pa sa Quiapo at Divisoria. Parang wala na ngang katapusan ang dagsa ng mga tao e. Basta ang mga napamili namin: strawberry jam, strawberry wine, t-shirts, murang bulaklak (kay Debbie), at bonsai na wala pang 50 pesos (sa akin).

Akala ko malulungkot ako sa biyahe paalis ng Baguio, dahil na rin wala pang kalahating araw ang itinagal ng aming 'bundok outing.' Nagkamali ako. Kasingsaya ako ng isang batang nasa field trip habang nakatunghay sa mga tanawin sa Marcos Highway -- para lang kaming nasa langit, nasa gitna ng mga ulap, nakikita ang malayong dalampasigan ng La Union sa ibaba.

Sa biyahe, may namuo na kaagad na linya para sa isang future travel essay ko: "After that descent from the country's rooftop, I cannot in good conscience enjoy the ridiculously mundane trips to the mall."

May isang tanawin nga lang kaming nadaanan na nakagigimbal. Banggaan. Ford Fiera-type ata 'yung isang sasakyan, 'yung ikawala nawawala (bus? baka tumakas?). May mga pulis sa eksena. May naka-stretcher sa likod ng kotse, kaya malamang buhay pa. Pero basag ang windshield sa passenger's side...at may nakaupong katawan, nakasandig ang ulo sa cardoor. Babae ata. Di na gumagalaw, at di rin ginagalaw ng mga pulis. Malamang, patay.

Kinabukasan nang umaga ay pumunta naman kami sa Simbahan ng Our Lady of Manaoag, at pagkagat ng gabi ay nagkaroon ng lit workshop sa San Fabian Beach...at nasa sumunod na album ang mga 'yun.

(Maraming kuha sa album na 'to ay galing sa camera ni Melvin.)

Ang listahan ng mga albums ng aming 'bakasyon':
Background ng aming buong paglalakbay:

Isinabay namin ang "lit trip" na 'to sa Sining ng Tugma at Sukat (Art of Rhyme and Meter) program ng LIRA at National Commission for Culture and the Arts sa Dagupan, kung saan malapit nakatira ang dalawa sa amin (Ynna & Rey).

Kami ni Rey ang coordinators para sa STS Dagupan, at kasama namin sina AC, Debbie, Romeo, at Ynna sa pag-workshop sa mga delegates. Hindi nakaabot si Melvin sa araw ng STS dahil may kailangang gawin sa Maynila.

Bago ang araw ng STS (Lunes) at pagiging LIRA, sangkatutak muna ang ginawa naming bonding bilang magkakaibigang manunulat sa Dapitdilim (mga pinagbuklod ng Dapitan/UST at Diliman/UP).

101 comments:

  1. feel na feel ni debs oh. haha. (V",)

    ReplyDelete
  2. haha onga no! Debi Dimpol ng Dapitdilim, bf ni Dingdong Dantes

    ReplyDelete
  3. parang poster lng ng United colors of beneton! aba pwede tyo mag group endorse ng mga damit! lolz

    ReplyDelete
  4. AC: "oh, helo? helo? w8 magbibike muna me.."

    ReplyDelete
  5. parang poster lng ng United colors of beneton! aba pwede tyo mag group endorse ng mga damit! lolz

    ReplyDelete
  6. hahaha. huhu takot na takot ako sa kennon road huhu

    ReplyDelete
  7. wow candid pic n nmn ni Phillip :p

    ReplyDelete
  8. wow anganda huhu kahit nagpapanic n ko sa tarik ng daan nyan huhu

    ReplyDelete
  9. Nakakamis yong mga larawan. Ang saya. Panakaw Philip ah Hehehehe

    ReplyDelete
  10. oo nga. at si ac parang natutulog lang!

    ReplyDelete
  11. sayang wala ka pala sa pik! :( dapat talaga may tripod na tayo next time.

    ReplyDelete
  12. tama ka jan. sayang nga at hindi nakasakay ng bangka ang DD...

    ReplyDelete
  13. walang ganyanan nahiya tuloy ako sa mukha ko hahahaha!

    ReplyDelete
  14. onga no. pangit lang yung blangkong space sa gitna hehe :P

    ReplyDelete
  15. uy marcos hiway yun! kennon yung paakyat natin :P pero oo nga, mas nakakatakot dun sa side niyo...dun yung walang railing at may nagbanggaan e.

    ReplyDelete
  16. na-high ata sa hamog ng baguio, sanay sa usok ng maynila hehe!

    ReplyDelete
  17. pwede mo na yang gawing friendster pic kahit di kita ang mukha mo hehe :P

    ReplyDelete
  18. eto ang paborito kong pic sa album. pwede na sigurong pang-Dapitdilim websayt photo haha

    ReplyDelete
  19. NAKAKAHIYA!!!! waaaah! bakit hindi ko naisip na mapupunta to lahat sa multiply!!!!

    ReplyDelete
  20. d yan erotic, talagang manyak ka lang phillip! =P

    ReplyDelete
  21. oo, at ako parang, "ang kulit nitong babaeng 'to a..."

    ReplyDelete
  22. bakit wala namang masama sa caption ko a? hahaha!

    ReplyDelete
  23. ang sweet niyo naman ni ynna! parang pampelikula! TGIS the movie! ahahahahaha! =P

    ReplyDelete
  24. kelangan larawan talaga rey?! hahahaha

    ReplyDelete
  25. oo nga e, mukha ngang kinakahiya mo ako dito, pero wala ka nalang magawa! bwahahaha

    ReplyDelete
  26. wahahaha! ambastos nung title. infiarness maputi yung flower ni debbie! =P

    ReplyDelete
  27. panong hindi namin pagtatawanan?! tignan mo nga itsura niya! (bwahahaha-evil laugh)

    ReplyDelete
  28. bastos ka kimpo!!!!!!!!!!!!!!!!! humanda ka uli!

    ReplyDelete
  29. bakit naman nakakahiya? okay lang ang r** face hehe! :P

    ReplyDelete
  30. TGIS pa talaga ang binanggit ano? hahaha!

    ReplyDelete
  31. aba parang hindi ka nag-LIRA a! isusumbong kita kay ser rio! :P

    ReplyDelete
  32. o kaya, "akala ba niya may nakakatawa? meron? san? 'nak ng...sige pipilitin kong ngumiti para di halatang killjoy ako."

    ReplyDelete
  33. pulidong pulido. nilinis, sinimot ang mahabang...mais. :))

    ReplyDelete
  34. siyempre ako ba naman ang gumawa ng caption. kaso mas bastos ang comment. paano ba naman, gawa ni ynna!

    ReplyDelete
  35. wag kang magpalinlang -- ang retrato ay isang ilusyon!

    ReplyDelete
  36. naaalala ko tuloy ang evil-plan-laugh nina Phoebe at Joey sa Friends hehehe >:)

    ReplyDelete
  37. walang kapantay ang DAOT sa dugo mo, yer hayness :P

    ReplyDelete
  38. aba aba aba, nakakalalaki ka na a.....!

    ReplyDelete
  39. humanda ka mamaya phillip!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  40. TALAGA!? cge mamaya tayo magkakasukatan!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  41. hahah. tsabby. onga, tumaba ka na. :)

    ReplyDelete
  42. gandaaaaa! grabe ang saya sa baguio! XD

    ReplyDelete
  43. oo nga e, gusto ko na kagad bumalik! :)

    ReplyDelete
  44. jaaack! kasama ka naman namin noon dito sa baguio in spirit! :D

    ReplyDelete
  45. view ko pics uli... (konting drama lang, xenxa...) kaka-miss.

    ReplyDelete
  46. walang masama sa kaunting drama bawat araw. pangalan pa lang ng grupo natin, "Dapitdilim," ma-drama na e :))

    ReplyDelete
  47. hahaahaha!!! oo nga. syangapala, sino nakaisip nyan? am sure ikaw me pakana.

    ReplyDelete
  48. ako nga hahaha. tuloy, di ko alam kung mahihiya ba dapat ako o magiging proud! :P

    ReplyDelete
  49. hahahaaha!!! pero maganda ha in pernez. proud op corz.

    ReplyDelete
  50. wahaha salamats. mukha tuloy 'emo' ang grupo natin.

    ReplyDelete
  51. emo kung emo. basta dapitdilim tayo. lakas-lakas nga natin eh. hahahahahahaha!!!

    ReplyDelete
  52. oo naman! alam kong hindi tayo mga superstar dito sa DD, pero lahat ay may malakas na kakayahan (o at least, potensiyal) sa kanya-kanyang genre. at ang pinakamaganda kasi sa DD, alam natin ang kuwento ng isa't isa -- kuwento ng buhay, hindi lang ang mga kuwento na isinusulat natin. mas gusto ko na yun kesa propesyonal lang na samahan :)

    ReplyDelete
  53. yes. agree ako jan. yung tipong bukas na aklat ang bawat isa. alam kong malayo pa ang pagsasamahan ng DD. basta ako, hindi bibitaw. dito ko kasi nakita yung samahan na kahit sa pinakaiksing panahon na pagsasama tila ang tagal na nating magkakakilala...

    ReplyDelete
  54. tama ka jan. in related news, sana matapos ko na rin ang DD website hahaha! :P

    ReplyDelete
  55. baka next month ko pa matapos, hectic e

    ReplyDelete
  56. k lng yun. hay, super salamat sa u kim po..grave ang dedication ha

    ReplyDelete
  57. walang anuman, at salamat din. basta para sa mga kapamilya ko sa panitikan :)

    ReplyDelete