Friday, October 10, 2008

Dapitdilim Writers: San Fabian Beach Workshop




Part 4 ng excursion ng aming munting samahan, ang Dapitdilim Fellowship of Writers, sa mga bundok at dalampasigan ng Hilaga (Benguet at Pangasinan).

Setyembre 21, 2008: Pagkatapos ng aming pilgrimage sa Our Lady of Manaoag, nagkaroon kami ng isang lit workshop sa dalampasigan ng San Fabian (karatig na bayan ng Mangaldan, kung saan nakatira sina Ynna).

Pero bago 'yun, mula Manaoag ay dumaan muna kami sa George's, isang tago ngunit magandang kainan sa Dagupan City. Ginusto kong malaman kung ano ba ang pinagkaiba ng Ilocano Pansit Batchoy sa aming Batchoy sa Aklan/isla ng Panay, kaya 'yun ang inorder ko. (Ang pagkakaiba: may anghang.)

Pagkatapos kumain, nagpa-print at photocopy pa kami ng mga tula at prosa na iwo-workshop. Tapos ay umuwi na kami ng Mangaldan para magbihis ng 'beach attire.'

Sumakay kami ng jeep papuntang San Fabian, at nag-tricycle para pumunta sa dalampasigan. Doon ay nagrenta kami ng cottage (kailangan pang mag-Pangasinense ni Rey para matauhan ang nagpaparenta na 'wag kaming utuin).

Dahil takipsilim (dapitdilim?) na, ilang minuto lang kaming nakapag-piktyur-piktyur at swimming. Sunod naming nilunod ang aming mga sarili sa alak (strawberry wine mula Baguio at alak na ginagamit sa Consecration sa Misa -- pari ang kuya ni Ynna hehe), beer, at videoke.

(At oo, napakanta ako. Unang beses kong pumatol sa videoke.)

Pagkatapos ng kasiyahan ay nagseryoso na kami. Ang isinalang sa workshop: prologo at unang kabanata ng novel-in-progress ni Jack, na nasa Saudi ngayon upang sumahod.

Isang kahindik-hindik na karanasan (well, para kay Romeo): Madilim. May sumitsit kay Romeo mula sa di-kalayuang bahagi ng beach. Pagtingin ni Rhom, itinaas ng isang matandang babae ang kanyang palda! Prosti kaya 'yun o buwang? O multo kaya? Sa muling paglingon ni Rhom (pagkatapos niya kaming tawagin), nawala na ang babae.

Bago mag-alas nuwebe ay bumalik na kami ng Mangaldan para makapagpahinga, dahil bisperas na 'yun ng pagtuturo namin ng tula sa Dagupan...at nasa sumunod na album na 'yun.

Ang listahan ng mga albums ng aming 'bakasyon':
Background ng aming buong paglalakbay:

Isinabay namin ang "lit trip" na 'to sa Sining ng Tugma at Sukat (Art of Rhyme and Meter) program ng LIRA at National Commission for Culture and the Arts sa Dagupan, kung saan malapit nakatira ang dalawa sa amin (Ynna & Rey).

Kami ni Rey ang coordinators para sa STS Dagupan, at kasama namin sina AC, Debbie, Romeo, at Ynna sa pag-workshop sa mga delegates. Hindi nakaabot si Melvin sa araw ng STS dahil may kailangang gawin sa Maynila.

Bago ang araw ng STS (Lunes) at pagiging LIRA, sangkatutak muna ang ginawa naming bonding bilang magkakaibigang manunulat sa Dapitdilim (mga pinagbuklod ng Dapitan/UST at Diliman/UP).

74 comments:

  1. ang masasabi ko lang, bilib ako sayo. comprehensive kung comprehensive ang mga multiply albums mo!

    ReplyDelete
  2. hahaha, OC lang kasi ako. at nakagisnan lang din sa pagiging writer sa net =)) kaya puro links.

    ReplyDelete
  3. gusto kasi ni melvin ma picturan yung usok! hindi naman yan tulad ng mga "stolen" pictures mo! =P

    ReplyDelete
  4. CUTE DEBBIE eto na pang primary picture mo!!!

    ReplyDelete
  5. d naman totoong nagbabasa ka e! candid nanaman e!

    ReplyDelete
  6. nakaka-miss kayoh... (lungkot ang face ko)

    ReplyDelete
  7. melvin!!!!!wahaha...tawa ko nang tawa dito...hehehe

    ReplyDelete
  8. jack!nandyan ka rin eh...sau ung winoworkshop d2...kya nandyan ka rin...wag na sad ;p

    ReplyDelete
  9. tama si AC jack. ikaw nga lang ang pinag-uusapan namin buong gabi, hehe! :D

    ReplyDelete
  10. hahaha, ang ganda talaga ng pik na 'to!

    ReplyDelete
  11. hmp. at...para palang dragon breath ang buga mo d'yan!

    ReplyDelete
  12. wahahaha mandadaot talaga si ynna?! =))

    ReplyDelete
  13. pang-ilang beses ko nang sasabihin ito sa multiply ko -- op kors! :P

    ReplyDelete
  14. ancute no? gsto ko ung green i-liner nya

    ReplyDelete
  15. waaah hehehe naalala ko ung matabang na water na may chamomile ba un... chos

    ReplyDelete
  16. anganda parang indie film lng! ynna... childstar ka na din!

    ReplyDelete
  17. "Dimple Power Attack!" *tagshung!! tagshung!*

    ReplyDelete
  18. waaaaaaa haha burahin! haha scandal

    ReplyDelete
  19. hala si debs nagmomorph..... c rhom walang kamay huhuhuhu

    ReplyDelete
  20. AHHAHAHAHA! saya! si debs sumasayaw ng sha-la-la

    ReplyDelete
  21. hangaling.... cascading (tama ba un)

    ReplyDelete
  22. ....nagsisimula ng magtake-eefect ang sanib powers ng cap..

    ReplyDelete
  23. hahahah... anu bang ginqagawa ko d2? hahaha

    ReplyDelete
  24. awww...... one more time! one more time! *chanting*

    ReplyDelete
  25. ata...tas kinonvert na lang sa isang iskul. sabi ni ynna ha :P

    ReplyDelete
  26. kaso di muna sya cruella de vil ngayon...kakatext lang sa akin ni debs may sakit daw sya :(

    ReplyDelete
  27. yup. at dapat subukan na rin ni AC ang ibang kulay hehe :)

    ReplyDelete
  28. dahil hindi naman naging artista si ynna noong bata siya, ibig sabihin isa siyang musmos ngayon para matawag na childstar! :D

    ReplyDelete
  29. gusto kong bumalik ng george's at subukan ang iba pa nilang dishes....hay

    ReplyDelete
  30. next taym nga sa dagupan, eto ang oorderin ko!

    ReplyDelete
  31. "san fabian beach scandal" now available at your nearest dibidi stalls

    ReplyDelete
  32. sa ating apat, pinaka-astig pala ang jumpshot mo dito wahaha!

    ReplyDelete
  33. naaalala ko tuloy yung levitating syat ni debs noong UST Fellows Night sa nagcarlan hehehe

    ReplyDelete
  34. onga hehe. kulang na lang yumuko pa nang onti si rhom!

    ReplyDelete
  35. oo nga...sasapian na siya ni Countess Bathory...

    ReplyDelete
  36. mula ngayon, ang tawag ko na sa inyong dalawa ay Meldebrity :P (naku medyo malapit pala sa Maldita...!)

    ReplyDelete
  37. hahahaha! ongano. parang nagkokorek lang ng eksam.

    ReplyDelete
  38. eto talaga ang winner syat op da nayt!

    ReplyDelete
  39. onga no...magkasingtangkad ba sina rey & rhom?

    ReplyDelete
  40. sumasang-ayon ako dito. i-sa-pa! i-sa-pa!

    (kaso baka si ynna na ang umayaw. susugurin lang natin ang alaminos longganisa sa hapag-kainan hahaha!)

    ReplyDelete
  41. ngayon ko lng napansin parang nasa director's chair cia 'no. cia talaga. dapat 3rd prson tayo magsalita.

    ReplyDelete